Mga netizen, kinaaliwan ang video ng paglilinis ng anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Tili

Walang palya sa paghahatid ng saya at mga nakakatawang kwento ang Argentinian husband ng aktres na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa social media.

Credit: @nicobolzico Instagram

At tulad ng mga karaniwan niyang ibinabahaging nakakatawang videos sa social media, bida na naman ang anak nila na si Tili at kanilang alagang aso na si Pochola sa panibagong video na ibinahagi ni Nico.

Napabunghalit sa tawa ang maraming netizens sa video na ibinahagi ni Nico kung saan ay mapapanood ang pagkakadul@s ni Pochola habang pababa sa hagdanan ng kanilang bahay.

Credit: @nicobolzico Instagram

Sa naunang video na ipinost ni Nico ay tanging pagkakadulas lamang ni Pochola sa hagdanan ang mapapanood.

“Sliding to Monday like…F@lling #Pochi wishing everyone a good start of the week. Is #Pochola the only dog that keeps f@lling? She has 4 patas but still f@lls everywhere,” pabirong caption pa ni Nico sa video ng pagkakadul@s ni Pochola.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Bumuhos naman ang maraming hula ng netizens sa dahilan ng pagkakadulas ni Pochola. Sa laki at apat na mga paa ni Pochola ay hindi makapaniwala ang ilan na nadulas pa ito.

Komento naman ng ilang netizens, kaya nadulas si Pochola dahil sa napakalinis at napakakintab na sahig nina Nico at Solenn.

Credit: @nicobolzico Instagram

Marami naman ang nagsabing kaya nadul@s si Pochola dahil sa matinding “paglilinis” ni Tili sa sahig.
Kalaunan ay ibinunyag naman ni Nico ang totoong kwento sa likod ng pagkakadul@s ni Pochola.

Sa isang hiwalay na video ay mapapanood ang naunang pangyayari bago ang pagkakadul@s ni Pochola.

Makikita nga sa video na dalawang minuto bago madul@s si Pochola ay siya ring pagma-mop at pagwawalis ni Tili sa sahig. Saktong pag-alis nga ni Tili ay nangyari ang pagkakadul@s ni Pochola.

Sinabi naman ni Nico na nag-iimbestiga pa sila sa nangyari. Gayunman, mukhang may hula na si Nico at mga netizen kung sino ang may sal@ sa pagkakadul@s ni Pochola.

Credit: @nicobolzico Instagram

Pabirong sabi rin ni Nico na huwag na umano siyang “i-DM” dahil hindi “available” si Tili na maglinis ng mga bahay.

“The story behind #Pochola’s f@ll… we are still investigating! PS: please stop DM me, #TiliBolz is not available to clean houses!” ani Nico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 1 million ang nakapanood sa nakakaaliw na video na ibinahagi ni Nico.

Samantala, napabilib naman ang mga netizen dahil sa murang edad ay tinuturuan na nilang mag-asawa si Tili paano maglinis ng bahay. Komento ng netizens:

Credit: @nicobolzico Instagram

“w0w amazing little one, you did very shine and slippery floor. Be careful when you walk”

“Ganda ng turo nila sa baby nila. Bata pa lang alam na maglinis. Kaya gustong-gusto ko ang baby nato ganda pa pati mata”

“This is weirdly truth! First time to see toddler loves to clean like lovely Tili”