Pang-world class ang talento na ipinakita ng singer na si Gigi De Lana sa kanyang rendition ng OPM hit na “Bakit nga ba Mahal Kita.”
Credit: @gigidelanaofficial Instagram
Viral kamakailan ang pag-awit ni Gigi sa nasabing kanta dahil sa kanyang kahanga-hangang pagbirit sa chorus nito.
Hindi inatrasan ni Gigi ang hamon ng kanyang mga kabanda nang itaas ng mga ito ang pitch ng chorus ng kanta.
Credit: @gigidelanaofficial Instagram
Noong una ay tila hindi pa nahalata ni Gigi na pinagkakaisahan siya ng kanyang mga kabanda at game siyang bumirit tuwing umaabot na sa chorus ng kanta.
Unti-unti namang nahalata ni Gigi na pinagkakatuwaan na siya ng mga ito dahil pataas na pataas ang pitch ng chorus ng kanta.
Credit: @gigidelanaofficial Instagram
Gayunpaman, hindi tumigil si Gigi sa pagkanta at kumasa pa rin sa hamon ng kanyang mga kabanda.
Bumilib naman ang mga kabanda ni Gigi na sina Jon Cruz, LA Arquero, Jake Manalo at Romeo Marquez dahil sa husay ng kanyang pagkanta. Sa kabila kasi ng mataas na nota ng kanta ay naabot pa rin ito ni Gigi. Maging ang maraming netizens ay napa-w0w din sa pag-awit ni Gigi.
At dahil sa nakakabilib na performance ni Gigi kaya naman maraming netizens na rin ang kumasa sa “Gigi De Lana: Bakit Nga Ba Mahal Kita” challenge.
Kanya-kanyang bahagi ang netizens ng kanilang sariling entry sa challenge sa social media. Ilang netizens ang nagpakitang-gilas sa pag-awit at mayroon namang gumawa ng lip-sync at parody ng performance ni Gigi.
Credit: @gigidelanaofficial Instagram
Samantala, pumalo na sa mahigit 6.5 million ang views ng rendition ni Gigi at ng kanyang mga kabanda sa kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na matatandaang pinasikat ng OPM artist na si Roselle Nava.
Narito naman ang ilang komento ng netizens sa pag-awit ni Gigi:
“PAMBIHIRA Let’s standing ovation talaga!”
“After listening to this, parang ayoko ng kantahin ang BAKIT NGA BA MAHAL KITA sa videoke. Itinaas mo ang standard Madam Gigi”
Credit: @gigidelanaofficial Instagram
“Ang galing po sobra…idol ko to sa TNT”
“Grabe yarn, pure talent. Sana all lods!”
Si Gidget Dela Llana o mas kilala ng marami bilang Gigi De Lana ay sumikat matapos siyang maging contender sa segment ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan.”