Mga netizen, kinilig matapos ma-spottan si Kathryn Bernardo na suot ang polo ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla!

Isa si Kapamilya royalty Kathryn Bernardo sa mga tinitingalang aktres ng kanyang henerasyon. Sa kanyang angking ganda at husay sa pag-arte kaya naman hinahangaan siya ng milyun-milyong manonood.

Credit: @zero1story_ Instagram

Trending naman ngayon si Kathryn dahil sa pagsusuot niya ng isang damit ng kanyang boyfriend na si Kapamilya actor Daniel Padilla habang nagpapa-salon.

Lingid sa kaalaman ng marami, may bagong hairstyle ngayon si Kathryn na ibinida niya kamakailan lamang.

Mas lalong tumingkad ang taglay na kagandahan ni Kathryn sa kanyang bagong hairstyle. Talagang fresh na fresh ang itsura ngayon ni Kathryn dahil sa kanyang bagong hairstyle na pinagawa niya sa paborito niyang Korean salon na Zero One Story.

Ibinida nga ng Zero One Story sa kanilang Instagram account ang finished look ng isinagawa nilang hair makeover kay Kathryn.

Credit: @zero1story_ Instagram

Umani naman ng maraming paghanga mula sa netizens ang bagong hairstyle ni Kathryn dahil nga bagay na bagay ito sa kanyang maliit na mukha at morena skin!

Ngunit bukod sa bagong hairstyle ng kanilang iniidolong aktres, marami rin ang nakapuna sa OOTD ni Kathryn nang magtungo siya sa salon.

Kahit kasi magpapa-salon lamang siya ay bongga pa rin ang OOTD niya na isang simple ngunit trendy black tank top at highwaisted denim shorts na pinatungan niya ng isang black satin polo.

Hindi nga nakaligtas sa mata ng fans ang suot na black satin t-shirt ni Kathryn na hindi pala sa kanya kundi sa kanyang nobyong si Kapamilya actor Daniel Padilla!

Credit: @zero1story_ Instagram

Ini-reveal ng isang KathNiel fan account ang isang larawan ni Daniel na suot ang nasabing black satin polo.

Kinilig naman ang fans sa ‘hiraman’ umano ng damit nina Kathryn at Daniel. Tila isa kasi umano itong paraan upang malaman ng marami na boyfriend niya si Daniel. Dahil dito kaya naman mapapa-sana all ka na lang talaga sa ka-sweetan nilang dalawa!

Samantala, noon lamang nakaraang September 4 ay ipinagdiwang nina Kathryn at Daniel ang kanilang 10-year anniversary bilang magka-loveteam.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Kathryn ng isang sweet beach photo nila ni Daniel. Ibinahagi naman niya sa caption kung ano ang ibig sabihin para sa kanya ng ‘KathNiel’ fandom na nagsimula noong taong 2010 nang una silang magtambal ni Daniel sa teen drama series na “Growing Up”.

Credit: @zero1story_ Instagram

Ayon sa kanya, ang ibig sabihin ng KathNiel ay, “people [that] stand up for each other, protect each other at all costs, the best cheerleaders, capable of giving so much love, inspire one another to be better people, united, a fandom that has eventually turned into a family,” at panghuli,” a fandom that she’s proud to be part of.”

“Happy 10th anniversary to us, kathniels! Maraming Salamat sa inyong lahat,” dagdag niya.