Mga netizen, kinilig nang ipost ni Julia Montes ang letrato ng nalilink sa kanya na si Coco Martin sa kanyang social media account

Maraming netizens ang kinilig nang binati ni TV actress Julia Montes ang matagal nang nali-link sa kanya na si Coco Martin.

Credit: Julia Montes Instagram   

Nitong November 1 kasi ay kaarawan ng aktor at nag-post si Julia ng isang letrato ni Coco sa kanyang Instagram page.

Credit: Julia Montes Instagram

Kahit walang mga salita na sinabi si Julia sa caption ng kanyang i-pinost na letrato ay makahulugan naman ang mga emoji na kanyang ginamit.

 

View this post on Instagram

 

🎁 ❤️🎂

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Kalakip ng letrato ni Coco ay ang mga emoji na regalo, puso at birthday cake. Marami tuloy ang naintriga at kinilig sa Instagram post ni Julia. Komento ng netizens:

“Walang tatalo sa Greetings nyaaaa ehhh! Yeahhhh ahhahaha! #TeamStocky”

“Doon po ako sa gitnang emoji. “heart emoji” EYYYY hahahah HAPPY BIRTHDAY MR. STOCKYYYY!”

“ayieee Happy Birthday Coco!”

Credit: @cocomartin_ph Instagram

Binati rin si Coco ng kanyang mga kasamahan sa showbiz kagaya na lamang nina Lorna Tolentino, Iza Calzado, Vina Morales, Isabel Oli at marami pang iba.

Matatandaang maraming balita ang lumabas noon na magkasintahan umano ang aktres at ang “FPJ’s Ang Probinsyano” star.

Nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Julia at Coco nang magtambal sila sa Kapamilya teleserye na “Walang Hanggan” noong 2012. Una namang lumabas ang mga balitang magkarelasyon sina Julia at Coco taong 2015.

Credit: Julia Montes Instagram

Magmula nang ma-link sa isa’t isa ay hindi na nawala ang mga haka-hakang magkasintahan ang dalawang artista. Ilang beses na rin na nagpahayag ng kanyang suporta si Julia sa mga proyekto ni Coco.

Naging maugong din ang mga balitang magkasintahan nga sina Julia at Coco nang magpahayag ng kanyang suporta si Julia sa Metro Manila Film Festival entry ni Coco na “3pol Trobol Huli ka Balbon” noong December 2019.

Noong nakaraang taon ay binati rin ng aktres si Coco sa kanyang kaarawan. Gayunpaman, wala pa ring kumpirmasyon ang aktres sa tunay na relasyon nila ni Coco.

Credit: @cocomartin_ph Instagram

Kagaya ni Julia, ay nanatiling tikom din ang bibig ni Coco kapag tinatanong siya tungkol sa relasyon nila ng aktres.

Samantala, maliban sa “Walang Hanggan” ay nagsama rin sina Julia at Coco sa pelikulang “A Moment In Time” (2013) at “Ikaw Lamang” (2014).