Mga netizen, kinilig sa grocery shopping bonding nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

Ngayong panahon ng kapaskuhan at bagong taon, maraming celebrities ang nais magbigay ng kanilang blessings bilang pasasalamat na rin sa mga taong walang-sawa na sumusuporta sa kanila. Isa na nga sa mga ito ay sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi na gustong magbigay ng kakaunting tulong ngayong holiday season.

Credit: Kyline Alcantara Instagram

Sa napakamurang edad, pinatunayan na ni Kyline ang kanyang kahusayan sa pag-arte dahilan kung bakit isa siya sa mga sikat at talagang kinikilalang batang aktres sa industriya ng showbiz ngayon.

Samantala, hindi na naman bago pa ang pangalan ni Mavy sa showbiz kaya nang sinunod ang yapak ng mga magulang, talagang matunog ang pagsali niya sa showbiz. Nakitaan ng potential ang dalawa, kaagad naman na nag-click si Kyline at Mavy hanggang sa nakilala sila bilang isa sa mga loveteam ngayon na may malakas na chemistry.

Credit: Kyline Alcantara Instagram

Maliban sa kilig na hatid ni Kyline at Mavy sa kanilang fans, gusto rin ng dalawa na magbigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iilang kakailanganin sa pagluluto ng spaghetti na palagi umanong present sa Christmas Eve. Hindi naman napigilan ng kanilang fans na ma-touch sa pagiging sincere ng dalawa dahil sila pa mismo ang namili ng mga ito.

Talagang kumpleto ang binili nilang ingredients para sa pagluluto ng spaghetti mula sa pasta, sauce, sausage, cheese, at may binili pa silang cans ng fruit cocktail. Marami naman ang hindi nakapagpigil ng kanilang kilig nang nag-offer si Mavy na siya na ang kukuha sa cans ng bibilhing fruit cocktail upang hindi mahirapan si Kyline pero ayon sa aktres, “baka independent woman ‘to!”

Credit: Kyline Alcantara YouTube

Puno ng kulitan, biruan, at kilig naman ang “Team Dimple” habang naggo-grocery shopping. Nasilip naman ng kanilang fans kung paano nagbo-bonding ang dalawa sa likod ng kamera.

Nang matapos sa kanilang pagsho-shop, sinurpresa naman ni Mavy si Kyline ng isang bulaklak nang binuksan ng aktres ang pinto ng sasakyan.

“Aww thank you,” sabi ni Kyline na may himig ng kilig.

Habang nasa biyahe papunta sa mall, ang kanilang ikalawang destinasyon, muli na namang sinagot ni Kyline at Mavy ang iilang tanong ng fans kung saan ay nagkaroon sila ng masinsinang usapan kung saan ay napansin ng karamihan ang pagiging genuine nila sa isa’t-isa.

Credit: Kyline Alcantara YouTube

Kasiyahan man ang nais ihandog, kilig naman ang naibigay ng “Team Dimple”. Ganyan kalakas ang tambalang Mavy at Kyline!