Ito lamang May 21 ay masayang ipinagdiwang ng aktor na si Diego Loyzaga ang kanyang ika-26 naΒ kaarawan. Mas naging espesyal ang kaarawan niya ngayon dahil una niyang isicelebrate ito na kasintahan na niya si Barbie Imperial.
Credit:Β @msbarbieimperial Instagram
Bumuhos ang pagbati kay Diego pero hindi naman nagpahuli ang kanyang bestfriend-turned-to-girlfriend na si Barbie. Sa mensahe na ipinost ni Barbie para sa kanyang nobyo ay pinasalamatan nito si Diego sa pagpapasaya sa kanya.
Sinulat ni Barbie sa caption, “Diego π€ To my best friend, my happiness, my love & my everything, happy happy birthday. I am so thankful for you, everything you do to make me happy. βοΈ I love you so much @diegoloyzaga”
View this post on Instagram
Kasama sa sweet caption ni Barbie ay isang video na nagpapakita ng mga clips ng mga sweet at funny moments nila ni Diego.
Todo naman ang pasalamat ni Diego sa kanyang kasintahan at sinabing sana ay kasama niya ito sa araw ng kanyang kaarawan.
Credit:Β @msbarbieimperial Instagram
“Thank you baby girl!! Wish i was with you right now! See you as soon as possible π₯ΊI love you so much π€ many more birthdays with you hehe,” komento ni Diego sa post ni Barbie.
Maraming mga netizen at katrabaho sa showbiz ang kinilig sa sweet at touching message ni Barbie para kay Diego.
“Hang lalandi! Happy birthday diegs @diegoloyzaga”
Credit:Β @msbarbieimperial Instagram
“WAG KAYO MAGHIWALAY PLS LANG πππ”
“HAPPIEST BIRTHDAY TO BABRIE’S HAPPINESS, WE LOVE U BOTH SO MUCH!! π€”
“Such a sweet birthday greeting. Stay happy you both! ππππππ”
Credit:Β @msbarbieimperial Instagram
“A woman like her is for keep. β€οΈ don’t hurt herβ€οΈ”
Nag-umpisa bilang matalik na magkaibigan sila Diego at Barbie. Madalas silang naging tampulan ng tukso at marami ang nagtatanong noon sa totoong estado ng kanilang relasyon.
View this post on Instagram
Sa pagbubukas ng taong 2021 ay inamin sa publiko ni Diego na nobya na niya si Barbie. Dalawang araw naman pagkatapos ng rebelasyong ito ni Diego ay nagpost na din si Barbie sa kanyang social media accounts para kumpirmahin ang kanilang relasyon.