Mga netizen, mas kinilig nang mapansin ang malaking pagkakahawig ni Bea Alonzo sa lola ni Dominic Roque

Talagang kakaiba magpahiwatig ang tadhana ng pag-ibig!

Credit: @beaalonzo Instagram

Labis ang kilig na naramdaman ng mga fans ni Bea nang sa wakas ay tinuldukan na niya ang matagal nang spekulasyon ng mga netizens tungkol sa kaugnayan niya sa kapwa aktor na si Dominic Roque.

Agosto ngayong taon nang kinumpirma ni Bea ang relasyon nila ni Dominic sa isang interview. Matapos ang ilang buwang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon ay proud itong kinumpirma ng aktres sa harap ng kamera.

Marami namang netizens ang todo suporta sa relasyon ng dalawa. Ayon sa kanilang fans, sobrang bagay umano nila para sa isa’t-isa. Hindi lamang dahil sa pareho silang maganda at gwapo pero dahil na rin sa kasiyahang ibinibigay nilang pareho. Ngunit sa paglitaw ng larawan ni Bea kung saan ay kasama niya ang lola ng boyfriend, mas lalong nagkagul0 ang kanilang mga fans na siyang mas nagpatatag sa kanilang paniniwala na “match made in heaven” ang dalawa.

Miyerkules, September 1 nang nag-upload ang fans nina Bea at Dominic sa Instagram ng larawan kung saan ay magkatabi ang isang close-up na larawan ni Bea at ang lumang larawan ng lola ni Dominic noong dalaga pa lamang ito.

Credit: @beadom.officialfans Instagram

Sa caption na isinulat ng beadom.officialfans ay mababasa ang: “Dalawa sa pinakamamahal na babae sa buhay ni @dominicroque Mommy Zeny and Bey ❤,”

Napa-wow naman ang mga netizens nang napansin ang pagkakahawig ni Bea at Nanay Zeny Tamayo, ang Mommy ng dating aktres na si Beth Tamayo na siyang Tita ni Dominic Roque.

Kung tititigan ng maiigi ang larawan ni Nanay Zeny noong dalaga pa lamang ito ay maaari siyang mapagkamalan na si Bea. Parehong maganda at tisay!

Umani naman ang mismong post ng mga komento galing sa mga fans nina Bea at Dominic, lahat ay nagpapahayag sa kanilang reaksyon tungkol sa pagiging “lookalike” ni Bea kay Nanay Zeny.

Credit: @beadom.officialfans Instagram

“Hala super look a like sis,” komento ni @azziratisor

“Magka mukha😍😍😍😍😍” sabi naman ni @vanizaespuerta

“Akala ko talaga si Bea nong teenage years niya,” pahayag naman ni @sairemeros

“Parehong maganda ❤️❤️❤️❤️,” komento naman ni @beadom_forever

Credit: @beaalonzo Instagram

Sa pagkakahawig ni Bea sa lola ng boyfriend, mas lalong dumami ang mga netizens na nagsasabing tadhana na ang nagsasabing sila na nga para sa isa’t-isa.

“Omg…signs are aligning. They look exactly alike!” komento naman ni @r3ssanche

Nakilala ni Bea si Nanay Zeny noong Hunyo, ilang buwan bago sila lumipad ni Dominic papuntang US para magbakasyon. Sa larawang ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram story na ibinahaging muli ng kanilang mga fans gamit ang isang fan account ay masasabi naman na komportable si Bea at Nanay Zeny sa isa’t-isa.