Muli na namang pinalambot ni Cong TV ang puso ng netizens dahil sa ibinahagi niyang kuwento tungkol sa isang taong naniniwala na lahat ay posible. Tunay nga na walang imposible para sa isang tao na may labis na determinasyon katulad na lamang sa storya niya bago ang mismong araw ng kanilang flight papunta sa Vietnam.
Credit: Cong TV YouTube
Maselan ngayon ang partner ni Cong na si Viy dahil sa pagbubuntis sa kanilang unang baby na kung tawagin nila bilang si “Kidlat” kaya hindi talaga pwede para sa soon-to-be Momshie na magpaka-stress lalo na ang pagbabyahe ng mahabang oras ngunit hindi talaga naiwasan ni Cong na magselos sa kanyang mga kaibigan at kapatid na si Junnie Boy na may planong magpunta sa Vietnam.
Noong una ay nag-aalinlangan pa si Cong kung sasabihin ba niya ito kay Viy pero sa ginawa niyang pagpapahaging sa tulong ni Junnie Boy, hindi niya inasahan na papayagan siya nito ngunit kaagad naman na naudlot ang nararamdaman niyang excitement nang pinaalalahanan siya ni Viy na nawawala nga pala ang kanyang passport.
Sa kanyang kagustuhan na makasama sa Vietnam, desperado si Cong sa paghahanap sa kanyang nawawalang passport. Nagpatulong pa siya kay Junnie Boy, sa mga kaibigan, at dating sekretarya ngunit bigo talaga siya dahilan kung bakit nagbakasakali siyang kumuha ng bagong passport sa DFA nang walang appointment. Dahil sa striktong pagsunod sa mga alintuntuntin, hindi nagawa ni Cong na makapasok dahil hindi siya nakapa-schedule ng appointment.
Credit: Cong TV YouTube
Nang tuluyan nang nawalan ng pag-asa, nahanap ng kanyang nanay ang kanyang passport kaya talagang tuloy na ang kanyang byahe papunta sa Vietnam kasama ang Team Payaman.
Nang nakarating sa aiport, napag-usapan ng magkakaibigan ang excitement nila lalong-lalo na sa vlogs na gagawin ni Cong dahil sa kagandahan ng lugar ngunit sa paglipas ng bawat minuto habang nasa airport, hindi na siya mapakali.
“Bigla akong kinabahan eh. Hindi ako mapakali,” sabi ni Cong.
Credit: Cong TV YouTube
Napagtanto ng Pinoy vlogger na hindi niya kayang mag-enjoy sa Vietnam habang mag-isa naman si Viy kaya kaagad siyang nagpaalam sa mga kasama at nagpahatid pauwi sa kanilang bahay.
Nang nakauwi, kaagad na dumiretso sa kanilang kwarto si Cong kung saan ay maingat siya sa kanyang bawat kilos dahilan kung bakit nagulat si Viy nang nakita siya.
“Akalain mo ‘yun? Posible palang kalimutan lahat ng masasarap na bagay. Gustong-gusto ko sanang sumama tsaka maglakbay pero tsaka na lang siguro ‘pag kasama ko na kayong dalawa,” sweet niyang mensahe kay Viy.
Credit: Cong TV YouTube
Talagang nangingibaw kay Cong ang pagmamahal niya kay Viy at baby Kidlat. Sana all!