Mga netizen, naaliw sa mga cute photo ng baby sister ni Coleen Garcia-Crawford at ng anak niyang si Baby Amari

May kakayahan ang bawat sanggol na pasayahin ang mga tao sa kanilang paligid. Sa isang tahanan, isa ang mga sanggol sa likas na nagbibigay saya at ngiti sa lahat.

Credit: @coleen Instagram   

Masuwerte ngang maituturing ang aktres na si Coleen Garcia dahil may dalawang sanggol na nagbibigay ngiti at kulay sa kanyang buhay.

Noong September 2020 isinilang ni Coleen ang unang anak nila ni Billy Crawford na si baby Amari Jaden.

Credit: @coleen Instagram

Isang buwan naman ang makalipas ay dumating ang baby sister ni Coleen sa kanyang ama na si Jose Luis Garcia. Ngayon nga ay dalawang sanggol na ang nagpapasaya kay Coleen.

Samantala, marami naman ang naaliw sa mga litrato na ipinost ni Coleen sa kanyang Instagram account kung saan makikita si baby Amari na nakaupo sa tabi ng kanyang tiyahin.

Kahit mas nauna siyang isilang ay may bagong tiyahin na si baby Amari sa katauhan ng baby sister ng kanyang Mommy Coleen.

Sa isang litrato ay nakakatuwang tingnan si baby Amari habang tutok na tutok sa kanyang tiyahin.
Manggigigil ka talaga sa ka-cutan ng dalawa habang inosenteng nakaupo.

Credit: @coleen Instagram

Ngunit bukod pala sa kanyang tiyahin ay may isa pang kapatid si baby Amari. Ito ang napaka-cute na alagang aso ng kanyang mga magulang na si Tamomo.

Sa huling litrato nga na ipinost ni Coleen ay makikita si baby Amari kasama si Tamomo.

“My baby, and my baby sister. Swipe all the way to the end to see the original baby,” sulat ni Coleen sa caption ng kanyang Instagram post.

Pinusuan naman ng maraming netizens ang mga litrato ni baby Amari kasama ang kanyang tiyahin at kanilang alagang aso na si Tamomo.

Credit: @coleen Instagram

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens matapos makita ang mga cute picture nina baby Amari.

“Grabe naman…too cute for words!!!”

“Can’t get any cuter than that!”

“kakatuwa uung 1st photo akala mo mga matatanda na nagkwekwentuhan, super cute nilang dalawa”

“They’re both adorable! Those cheeks…OMG.”

Credit: @coleen Instagram

“Grabe thanks for uploading the photos of your baby sobrang nakaka good vibes ms coleen”

Si Coleen ay nanganak sa pamamagitan ng home water birth.

Kamakailan lamang ay viral ang home water birth journey ni Coleen na ibinahagi niya sa kanilang family YouTube channel.