Mga netizen, nagtatanong kung may koneksyon sa pagpapakasal ng KathNiel ang post ng kanilang mga ina na sila Mommy Min at Karla Estrada

Usap-usapan ngayon sa social media ang planong pagpapakasal ng real-life celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala ng lahat bilang KathNiel. Ito ay matapos mag-post ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo at ang ina ni Daniel na si actress-host Karla Estrada sa kanilang Instagram account ng tila detalye ng kasal ng KathNiel.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram        

Nitong September 25 ay unang ipinasilip ni Mommy Min sa kanyang IG post ang isang larawan ng wedding gown. Caption dito ni Mommy Min, “K💍N”

Credit: Min Bernardo Instagram

 

View this post on Instagram

 

K💍N

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

Lumikha naman ng maraming haka-haka mula sa fans ng KathNiel ang post na ito ni Mommy Min.
Sa comment section ay ibinahagi ng ilang tagahanga ng KathNiel ang kanilang hula kung anong ibig ipahiwatig ng ina ni Kathryn sa kanyang post.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Hula ng netizens, para sa ginagawang sitcom umano ng KathNiel ang wedding gown na ibinahagi ni Mommy Min. Komento ng netizens:

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

“Malapit lapit na nga ang #KathNielSitcom nagpaparamdam na”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“OMG KASAL BA SILA SA SITCOM!!”

“Yeah sitcom yan. Bka mag-asawa sla dun”

“wow! wedding bells ba @bernardomin sa kathniel sitcom? excited much”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Hindi naman mapigilan ng ilang KathNiel fans na umasa na mauuwi nga sa kasalan ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

Credit: Threelogy Video YouTube

Unang nagsama ang KathNiel sa Kapamilya teen drama series na “Growing Up” noong 2011.
Noong 2018 naman ay ibinunyag ni Daniel ang tunay na relasyon nila ni Kathryn.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Samantala, makalipas lamang ang dalawang araw, ay nag-post naman ang ina ni Daniel na si Momshie Karla sa kanyang Instagram account ng isang larawan ng tila wedding invitation card.
Dahil dito ay mas lalong tumindi ang mga haka-haka ng netizens na ikakasal ang KathNiel sa paparating nilang sitcom project.

Credit: Karla Estrada Instagram

 

View this post on Instagram

 

K💍N

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ng KathNiel na magkakaroon sila ng mga bagong proyekto sa ilalim pa rin ng ABS-CBN network kabilang dito ang hula ng netizens na isang digital sitcom.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na malinaw na detalye ang KathNiel patungkol sa nalalapit nilang mga proyekto.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Noong nakaraang taon ay pinili ng KathNiel na hindi muna gumawa ng mga proyekto ng magkasama.
Huling nagtambal ang KathNiel sa hit-film ni Derek Cathy Garcia-Molina na “The Hows of Us” noong 2018 kung saan ay gumanap sila bilang magkasintahan na nakakaranas ng pagsubok sa kanilang relasyon.