Mga netizen, nagulat at kinilig sa rebelasyon tungkol sa relasyon nila Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria

Sa kauna-unahang pagkakataon, ay naisapubliko na ang relasyon ng celebrity couple na sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram      

Marami ang nagulat sa larawang ipinost sa Instagram ng talent manager na si Noel Ferrer nitong September 30, kung saan makikita sina Raymart at Jodi na mahigpit na magkayap. Kapansin-pasin din ang romantic set-up kung saan kuha ang larawan ng dalawa.

Caption ng talent manager sa kanyang IG post, “WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!!!”

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa tagahanga ng dalawa ang rebelasyong ito ni Noel.
Marami ang nagulat ngunit marami rin ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan at suporta para kina Raymart at Jodi.

Parehong single sina Raymart at Jodi kaya’t pahayag ng kanilang tagahanga na bagay na bagay sa isa’t isa ang dalawa. Komento ng netizens:

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

“hi guys. kalooban na ni lord na lumigaya c idol jodi kaya sana maging masaya nlang tau pra sa kanila”

“Wow so happy for the both of you. Both very affectionate, both God centered”

“Compatible. Both are compassionate and family oriented. Goodluck”

Credit: @raymartsantiago Instagram

“Congrats bagay sila sana wala ng komontra”

“bagay na bagay silang dalawa. so happy for them!”

Sa mga oras na isinusulat ang artikulong ito ay wala pang opisyal na pahayag sina Raymart at Jodi tungkol sa kanilang relasyon.

Taong 2013 nang napabalita ang paghihiwalay ni Raymart at ng dating aktres na si Claudine Barretto. Hindi pa pinal na napapawalang-bisa ang kasal ng dating mag-asawa.

Credit: @raymartsantiago Instagram

Samantala, kahit hiwalay na sila ni Claudine ay napanitili naman ni Raymart ang magandang relasyon sa pagitan niya at sa dalawang anak na sina Sabina at Santino. Noong nakaraang taon lang ay nagbakasyon si Raymart sa Japan kasama ang mga anak.

Credit: @raymartsantiago Instagram

Ang huling relasyon naman ni Jodi sa aktor na si Jolo Revilla ay nagwakas taong 2018.

Bago naman ang kanyang relasyon sa aktor, ay limang taon ding kasal si Jodi sa anak ni Senator Panfilo Lacson na si Pampi Lacson. Biniyayaan ng isang anak si Jodi kay Pampi na si Panfilo “Thirdy” Lacson III. Sa ngayon, ay 14 taong gulang na si Thirdy.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Kasalukuyan ding maganda ang relasyon ni Jodi sa bagong asawa ni Pampi na si actress Iwa Moto. Sa katunayan, hinahangaan ng lahat ang magandang relasyon ni Jodi at Iwa lalo na sa usaping pag-aalaga kay Thirdy.