Mga netizen, naiyak at humanga sa kwento ng buhay ng isang contestant ng America’s Got Talent

Nagbibigay inspirasyon at pag-asa ngayon sa maraming netizens ang isang 30-taong gulang na babaeng contestant sa season 16 ng sikat na TV show sa Amerika na ‘America’s Got Talent’ na si Jane o mas kilala sa kanyang piniling screen name na ‘Nightbirde’.

Credit: @_nightbirde Instagram

Sa kabila kasi ng kanyang iniindang malubhang s@kit ay ipinagpatuloy ni Jane ang kanyang pangarap na kumanta at iparinig ang kanyang napakagandang boses at awitin sa lahat.

Noong nakaraang June 9, inilabas ng AGT sa kanilang YouTube channel ang audition performance ni Jane kung saan ay pinahanga at pinabilib niya ang lahat sa kanyang napakagandang boses.

Kinanta ni Jane ang kanyang orihinal na isinulat na kanta na may pamagat na ‘It’s OKAY’.

Credit: @_nightbirde Instagram

Ayon kay Jane, isinulat niya ang kanta para sa kanyang sarili noong dumadaan siya sa mabigat na problema noong nakaraang taon. Pag-amin ni Jane, ipanapaalala sa kanya ng kanta na kahit may mahirap na problema siyang pinagdadaanan ay maaari pa rin siyang maging masaya.

Sa mismong episode ay ikwinento ni Jane ang kanyang pinagdaanan na dulot ng kanyang maluhang karamdaman pero kesa sa maglugmok ay naging positibo ang perspektibo ni Jane at sinabing:

“I have a 2% chance of surv!val but 2% is not 0%; 2% is something and I wish people knew how amazing it is,” ani Jane.

At dahil nga sa kahanga-hangang boses ni Jane at sa napakagandang mensahe ng kanyang kanta, kaya hindi napigilan ng mga manonood at maging ng apat na hurado ng palabas na maging emosyonal.

Credit: @_nightbirde Instagram

Kabilang sa mga napa-w0w ni Jane ay ang sikat na huradong si Simon Cowell na sa huli ay pinindot ang mahiwagang Golden Buzzer. Ang pagbibigay naman ni Simon ng Golden Buzzer kay Jane ay nangangahulugan lamang na pasok na siya sa live show ng kumpetisyon.

Samantala, nag-trending naman kaagad ang naging performance ni Jane at maging ang kwento ng kanyang buhay.

Umani ng maraming papuri at paghanga si Jane mula sa mga netizen dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pagkanta at pagiging positibo sa buhay sa kabila ng matinding problema na kanyang pinagdadaanan. Komento ng ilang netizens:

“Her voice is so calming. I love it. She deserved than golden buzzer”

Credit: @_nightbirde Instagram

“When she finished singing I was literally crying in tears her song was super powerful”

“The very best ever…completely took my heart…”

“She’s so beautiful and her voice is so calming”

Sa huli ay hiling ng milyun-milyong tagahanga ni Jane na magtuloy-tuloy ang kanyang tagumpay sa kumpetisyon.