Mga netizen, nakarelate sa ipinost na letrato ni Iya Villania kung saan makikitang ukupado ng mga anak ang buong kama

Marami ang nakaka-relate sa pinagdadaanan ngayon ng celebrity couple na sina TV host-actress Iya Villania at Drew Arellano tuwing matutulog na sila sa gabi.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Iya ang litrato ng kanyang tatlong anak na iba’t iba ang posisyon sa pagtulog.

Credit: @iyavillania Instagram

Hindi na nga alam ni Iya kung saan siya hihiga dahil inukupa na ng kanyang tatlong anak na sina Primo, Leon at baby Alana ang malaking bahagi ng kanilang kama.

Makikita rin si Drew sa litrato na natutulog sa pinakagilid ng kanilang kama habang nakapatong naman sa dibdib nito ang isang paa ni Leon na mahimbing natutulog.

Credit: @iyavillania Instagram

Sa kanyang caption, sinabi ni Iya na naging ‘struggle’ na nilang mag-asawa tuwing gabi kung saang pwesto sila hihiga dahil nga inukupa na ng kanilang mga anak ang kanilang kama.

Ani Iya, “Nightly struggle [laughing emoji] Who can relate [laughing emoji]”

Credit: @iyavillania Instagram

Sa isang hashtag na kanyang ginamit ay napatanong naman si Iya kung sino sa kanilang magpamilya ang maga-adjust.

Ayon pa kay Iya, kailangan na umano nila ng mas malaking kama para magkasya silang lahat. Gayunpaman, ipinahayag ni Iya ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang mga anak kahit pa ‘struggle’ sa kanilang mag-asawa ang paghahanap ng pwesto na matutulugan tuwing gabi.

Credit: @iyavillania Instagram

Samantala, kinaaliwan naman ng maraming netizens ang litrato na ibinahagi ni Iya. Bumuhos din ang mga komento ng mga magulang na nakakarelate sa sitwasyon at ‘nightly struggle’ nina Iya at Drew. Komento ng netizens:

“Oh my they are so adorable ganyan talaga..pinapaa na lang tayo ng mga anak natin.”

“omg!! Parang kami Lang nakasabit na lang kami mag-asawa sa gilid ng bed”

“Oh ehm geee so cutieee super relate ganyan din mga babies ko same age bracket ng babies niyo ms. iya”

Credit: @iyavillania Instagram

“relate na relate ung di mo na alam minsan saan ka hihiga”

“yung hindi mo alam saan ka sisingit sa paa nila banda or mag extra latag ka nalang sa gilid”

Kamakailan lamang ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-7 wedding anniversary.
Matatandaan na sina Iya at Drew ay ikinasal noong 2014.

Credit: @iyavillania Instagram

Taong 2016 naman ay isinilang ni Iya ang panganay na anak nila ni Drew na si Antonio Primo. Samantalang, ang kanilang pangalawang anak na si Alonzo Leon ay isinilang noong August 2018. At noon lamang July 2020, isinilang ni Iya ang kanilang munting prinsesa na si Alana Lauren.