Mga netizen, natuwa sa anak ni Pokwang na si Malia dahil sa pagpupumilit na makalabas ng bahay na tila may importanteng pupuntahan

Isa ang anak nina TV host-comedian Pokwang at Hollywood actor Lee O’Brian na si Malia Francine sa mga celebrity kid na minamahal ngayon ng mga Pinoy sa social media.

Credit: @itspokwang27 InstagramΒ  Β  Β  Β 

Nitong October 12 lamang ay muli na namang nagbigay saya si Malia sa netizens dahil sa video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram kung saan makikita si Malia na umiiyak habang nagmamakaawang lumabas mula sa kanilang bahay.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Caption ni Pokwang sa Instagram video, “pakinggan nyong mabuti saan daw sya pupunta? @malia_obrian πŸ˜†πŸ˜πŸ˜€πŸ˜ƒπŸ˜„πŸ€£”

 

View this post on Instagram

 

pakinggan nyong mabuti saan daw sya pupunta? @malia_obrian πŸ˜†πŸ˜πŸ˜€πŸ˜ƒπŸ˜„πŸ€£

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Sa Instagram video ay mapapanood si Malia na cute na cute habang nagpupumilit na makalabas sa gate.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Maririnig sa video na tinanong ng komedyante ang anak kung saan ito pupunta. Tanong ni Pokwang, “Malia, where are you going?”

Sagot naman ni Malia, “I will go to the office today.”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Mukhang pati si Pokwang ay aliw na aliw sa anak na pursigidong pumasok umano sa kanyang ‘office’
“Alright! Let’s go to the office,” saad naman ng kanyang ama.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Mabilis namang tugon ni Malia, “Oh yes, come on come on.”

Makikita rin sa video na handang-handa nang pumasok sa kanyang ‘office’ si Malia sa suot nitong cute dress.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Tuwang-tuwa naman ang maraming netizen dahil sa pagiging adorable at cute ni Malia. Isa sa mga nag-komento ay ang dating aktres na si Gretchen Barretto. Aniya, “Gretchen: Let her go to the office, mom.”

Tawang-tawa naman ang beauty queen-actress na si MJ Lastimosa sa kakulitan ni Malia.
Ani MJ, “HAHAHAHAHA asan office mo inday”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Komento naman ng talent manager na si Ogie Diaz, “Hahahaha! Nakakalokang bata!”

Napasaya rin ni Malia ang maraming Instagram follower ng kanyang Mommy Pokwang. Komento nila:

Credit: @itspokwang27 Instagram

“hahaha may hinabol kasi na pipirmahan si madam.Mgpapasueldo na po bahπŸ˜‚πŸ˜˜πŸ’—πŸ’—πŸ’— keepsafe baby.Godbless❀️”

“Let her go to the office .. Dami sya dapat pirmahan 🀣”

“Why she wants to go to the office😍😍”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Adorbs gusto na magWork sa office”

“mukhang malalate na siya mamang kaya nagmamadali na hahahahs cutie”

Si Malia ay dalawang taong gulang pa lang ngunit napakaliksi at bibo nito kaya naman mahal na mahal siya ng netizen.

January 18, 2018 nang isilang ni Pokwang si Malia. Maliban kay Malia, ay mayroon pang isang anak si Pokwang sa kanyang dating Japanese partner na si Mae.