Labis na cuteness ang pinapalaganap ng anak ni Ryza Cenon na si baby Night sa social media!
Credit: @iamryzacenon Instagram
Kilala si Ryza Cenon sa industriya ng showbiz bilang isang sikat na aktres at modelo. Maliban pa rito ay may talento rin siya pagdating sa paghataw at pagsayaw. Kinagigiliwan din ng kanyang fans si Ryza dahil sa masayahin niyang personalidad na tila naman ay namana ng kanyang unico hijo na si baby Night.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Nang magsimulang magbahagi si Ryza ng mga cute na larawan ni baby Night sa kanyang Instagram account ay padami nang padami ang sumusubaybay sa kanilang dalawa. Hindi lamang sa harap ng kamera ipinapakita ni Ryza ang kanyang pagkamasayahin dahil pati sa social media ay patuloy siyang nagspe-spread ng good vibes kasama ngayon ang kanyang anak.
Nang sumabak sa landas ng motherhood ay aminado si Ryza na naninibago siya pero sa mga posts niya kumakailan sa Instagram kasama ang anak niya na si baby Night ay masasabi naman na sobrang natural niya sa ginagawa.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Halos sa lahat ng ginagawa ni Ryza ay kasama niya si baby Night. Mula sa pagwo-workout hanggang sa lahat ng mga gawaing bahay ay maituturing na partner na niya ang anak. Marami namang netizens ang natutuwa sa tuwing magkasama sa mga gawaing bahay ang mag-ina.
View this post on Instagram
“Dahil nagising si Night habang nagwoworkout ako at umiyak ng umiyak, ito tuloy nangyari … sinabayan nalang nya ko mag workout. Bwahahaha! 😂🤣,” sulat ni Ryza sa kanyang caption kalakip ng larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay makikitang nakahiga si Ryza sa yoga mat habang nakapatong naman sa kanyang tiyan si baby Night.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Muli ay pinasaya ni baby Night ang mga netizens nang nagbahagi ng maikling video ang kanyang Mommy Ryza sa Instagram kung saan ay makikitang nakatulog na siya ng mahimbing pagkatapos maubos ang kinakain.
View this post on Instagram
“Good night! 🥰😍🥱😴,” caption ni Ryza.
Hindi lamang fans ni Ryza ang natuwa kay baby Night dahil pati kapwa celebrities ay hindi napigilan ang kanilang gigil at nagkomento.
Credit: @iamryzacenon Instagram
“😂😂😂😂😂😂😂” komento ni Chariz Solomon.
“Ang sarap!!!!” sabi naman ni Pauleen Luna-Sotto.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Nang dumating si baby Night sa buhay ni Ryza at ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer na taga-Bacolod ay halos wala silang mapagsidlan ng kanilang tuwa. Labis ang kanilang pasasalamat nang biniyayaan sila ng Panginoon ng anak na siyang nagkumpleto sa kanilang pamilya.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Sa ngayon ay ipinangako nina Ryza at Miguel na patuloy na itutuon ang buong atensyon kay baby Night at tsaka na umano pagpaplanuhan ang kanilang kasal.