Mga netizen, natuwa sa ipinost na letrato ni Jodi Sta Maria na kuha noong bata pa siya dahil makalipas ang ilang taon ay halos hindi nagbago ang itsura niya

Isa ang ating pagkabata o childhood sa mga pinakamasayang panahon sa ating buhay. Kaya naman marami sa atin ang nangangarap na bumalik sa kanilang pagkabata, noong mga panahon na simple pa umano ngunit kaysaya ng buhay.

Credit: @jodistamaria Instagram

Kaysarap nga namang balikan ang panahon kung kailan wala pa tayong gaanong iniisip na problema sa buhay.

At tuwing nami-miss natin ang mga masasayang tagpo ng ating childhood, tinitingnan natin ang ating mga lumang litrato na nagpapaalala sa atin kung gaano tayo kasaya noon.

Maging ang aktres nga na si Jodi Sta. Maria ay hindi maiwasang balikan ang masasayang alaala ng kanyang pagkabata.

Credit: @jodistamaria Instagram

Sa Instagram, nag-post si Jodi ng kanyang chilhood photo. Isang batang-bata at masayahing Jodi ang nasa nasabing litrato. Nakangiti at halatang ini-enjoy ang kanyang pagkabata. Kapansin-pansin naman sa litrato na talagang mula noon magpahanggang ngayon hindi kumukupas ang angking ganda ni Jodi. Tila edad lamang kasi ni Jodi ang tumanda at hindi ang kanyang mukha kung ikukumpara ang kanyang childhood photo sa mga litrato niya ngayon.

Samantala, sa caption ay napa-throwback si Jodi sa mga ginagawa niya noong siya ay bata pa. Tulad ng tatakas siya sa kanilang bahay para makipaglaro sa kanyang kapitbahay at kahit pag-uwi ay mapagalitan, masaya pa rin.

Credit: @jodistamaria Instagram

Isa-isa ring binanggit ni Jodi ang mga nakasanayan niyang larong Pinoy noong siya ay bata pa lamang.

“This photo brings back so many memories from my childhood. Yung pakikipaglaro sa mga kapitbahay tatakas ako pero kahit mapagalitan sa pag-uwi okay narin. Do you remember touch taya? 10-20? Or yung plastic balloon na bawal bumagsak sa lupa pag napalobo mo na?” pagbabalik-tanaw ng Kapamilya actress.

Credit: @jodistamaria Instagram

Maging ang mga karaniwang tagpo noong siya ay musmos pa lang ay hindi rin nakalimutan ni Jodi.

Kwento ni Jodi, “Have you waited for the corn vendor shouting mais…mais…at si manong na nangongolekta ng dyaryo at bote kapalit ay chichirya? I also looked forward to rainy days where we were allowed to run around soaking wet.”

Credit: @jodistamaria Instagram

Masasabi naman ni Jodi na talagang malaking parte ng kanyang pagkatao at kung sino siya ngayon ang kanyang pagkabata.

Ayon kay Jodi, napagtanto niya na hindi mahal ang maging masaya dahil kahit sa mga simpleng bagay, makakahanap tayo ng kaligayahan.

“Our childhood plays a big part in who we are today. The simple joys, the contag!ous laughter, and the mini adventures have taught us that it takes very little to have a happy life,” aniya.

Credit: @jodistamaria Instagram

Tunay na isa sa mga hindi malilimutang yugto ng ating buhay ay ang ating pagkabata. Kahit kasi tumanda tayo, binabalik-balikan pa rin natin ang mga masasayang alaala ng ating pagkabata.