Mga netizen, natuwa sa pagkukulitan nila Ryza Cenon at anak nito na si Baby Night

Maraming netizens ang naaliw sa ibinahaging video ng aktres na si Ryza Cenon kung saan makikita siyang naiiyak na lamang habang binabantayan ang kanyang anak na si Night na kahit oras na para matulog ay game pa rin sa paglalaro.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Tila hindi na kinaya ni Ryza ang kakulitan ng kanyang anak at naiyak na lamang siya sa video. Napatanong din si Ryza kung kaya pa ba niyang sabayan ang kakulitan ng kanyang anak.

Ngunit tila nawala ang pagod ni Ryza sa pagbabantay sa anak nang gayahin nito ang kanyang pag-iyak.

Sa huli, natawa na lamang si Ryza dahil game na umarteng naiiyak si baby Night. Mukhang ayaw ngang magpatalo ni baby Night at ginaya pa niya ang pag-iyak ni Ryza.

Pabirong sabi pa ni Ryza sa caption ng video, “Kaya ko pa ba? [crying emojis] pero may isang hindi nagpatalo [laughing emojis]”

Tuwang-tuwa naman ang maraming netizens sa kakulitan ni baby Night. Ayon pa sa ilan, may future sa pag-aartista si baby Night dahil magaling itong gumaya sa kanyang mommy. Komento nila:

“cuuute ng baby umaarte na ahahaha”

Credit: @iamryzacenon Instagram

“Cute ni knight marunong na rin umakting si pogi”

“Heheh best actor gaya ng mommy super cute”

“HAHAHAHA ang cuteeee gumaya”

Credit: @iamryzacenon Instagram

“ang husay manggaya kyot kyot”

Samantala, kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Ryza at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Antonio Cruz ang 1st birthday ng kanilang napakacute na anak.

Parang kailan lang nang masayang ibahagi ni Ryza ang pagsilang niya kay baby Night at ngayon ay 1 taong gulang na ito at napakakulit na!

Sa kanyang Instagram, isang sweet birthday message naman ang ipinaabot ni Ryza para sa kanyang panganay.

Credit: @iamryzacenon Instagram

“To my dearest Night, Happy 1st birthday! It’s hard to believe that you’re already a year old. Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy, but here we are celebrating your first birthday.”

Dagdag ni Ryza, “Yey!!!! I thank God sa pagsagot ng dasal ko. At ikaw yun anak. You complete us and give us hope. We’re looking forward to seeing you grow up to become a good, responsible and adorable person. We love you sooooo much! Happy birthday! @iamnightcruz”

Matatandaan na isinilang ni Ryza si baby Night noong October 31, 2020 sa pamamagitan ng normal delivery.

Nang tanungin naman si Ryza kung kailan sila magpapakasal ng kanyang partner sinabi niyang napag-uusapan naman umano nila ito ngunit sa ngayon, focus muna umano sila sa pag-aalaga sa kanilang baby.