Mga netizen, pinuri ang angking kagwapuhan ng anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto

Minsan lamang maging bata ang anak kaya mukhang sinusulit talaga ni first-time mom Ellen Adarna ang bonding moments nila ng kanyang anak na si Elias Modesto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kamakailan lamang ay nag-post ng mga litrato sa kanyang Instagram si Ellen kasama ang anak kuha mula sa kanilang beach outing.

Sa mga larawan ay makikita ang bonding moments nina Ellen at Elias. Sa isang video ay sabay na tumalon sa dagat ang mag-ina suot ang kanilang life-jacket. Makikita naman sa isang larawan na nagje-jetski si Ellen kasama si Elias. Mahahalata sa mukha nina Ellen at Elias na nag-eenjoy sila sa beach outing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

Kapansin-pansin din sa mga larawan ang hindi pa rin kumukupas na kagandahan at kaseksihan ni Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa isang larawan ay makikita si Ellen na ibinibida ang kanyang seksing katawan suot ang kanyang black swimsuit.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Maliban dito, ito rin ang unang post ni Ellen sa social media na kita ang close-up look ni Elias.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Matatandaang inamin noon ni Ellen na hindi niya itinatago ang anak ngunit hindi niya ito masyadong ipinapakita sa social media para maprotektahan umano ang privacy ng anak. Si Elias ay anak ni Ellen sa dating kasintahan na si actor John Lloyd Cruz.

Mukhang unti-unti na namang ibinabahagi ni Ellen sa mundo ang kanyang napakagwapong anak.

Hindi naman maitago ng netizens ang kanilang tuwa nang masilayan ang close-up picture ni Elias. Bumaha ang iba’t ibang reaksyon ng netizens kung sino ang kamukha ni Elias. Anila, mas kamukha raw ni John Lloyd ang anak. Namana naman daw ni Elias ang matangos na ilong ni Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“Ay so cute! Noo pa lang kahit nakaside view nakuha sa ama”

“Halaaa ang ilong liwat sa mader” (Hala ang ilong namana sa mama)

“Litte John Lloyd Cruz”

“Murag c John Lloyd jud” (Parang si John Lloyd talaga)

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

“now ko lang nakita ng nka harap ang anak n elen kagwapo”

Nitong June 26 ay nagbahagi si Ellen ng ilang larawan kung saan ay inihayag niya ang pagdiriwang ni Elias ng kanyang ika-dalawang taong kaarawan.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Samantala, pareho pa ring hiatus sina Ellen at John Lloyd sa showbiz. Sa parte ni Ellen, ay wala pa rin siyang inaanunsyo kung kailan siya magbabalik sa showbiz. Sa ngayon, ay hands-on mom muna ang role na ginagampanan ni Ellen sa buhay.