Mga netizen, pinuri ang pinost na letrato ni Moira Dela Torre na kapansin-pansin ang pagkablooming niya

Ginulat ng singer-song writer na si Moira dela Torre ang mga netizen sa kaniyang ‘stunning look’ bilang judge para sa grand finale ng Idol Philippines season 2. Sa larawang pinost ng singer sa kaniyang mga social media accounts, suot nito ang makinang na silver gown habang nakaupo ito sa ibabaw ng sink.

Credit: @moiradelatorre Instagram

“Thank you for making me feel extra beautiful last night. ILY guys,” caption nito sa larawan.

Kapansin-pansin ang ‘big transformation’ ng singer sa mga photos na ibinahagi nito. Mula sa pagiging blooming nito hanggang sa pagpayat ng kaniyang pangangatawan.

Matatandaan na kakahiwalay lamang ni Moira sa dating asawa nito na si Jason Hernandez matapos ang tatlong taong pagsasama nila. Ito ay isang malaking pagsubok para sa singer pero makikita rin na positibo niyang hinaharap ang mga ito.

Makalipas nga ang mahigit limang buwan, makikita na naging busy ang singer sa kaniyang buhay single. Sa mga post nito sa kaniyang social media accounts pinasilip ni Moira ang mga nangyayari sa kaniya lately.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Mula sa bonding moments nito sa malalapit na kaibigan, pagpapayat, pagkakaroon ng bagong tattoo at pagtravel sa ibang bansa. Masaya ring ibinahagi ni Moira ang isa sa mga breakthroughs nito lately. Ito nga ang pagiging confident nito na magtali ng buhok.

Sa Instagram post nito, pinakita ng singer ang mga larawan nito para sa isang shoot na nakatali ang buhok. Kitang kita ang ganda ng singer sa kanyang post.

“my first ever sho0t with my hair up. i know it may not be a big deal to many, but to me it’s such a big breakthrough. i don’t think i’ve ever felt this confident before, let alone feel confident enough to do a shoot with my hair up before.” aniya.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Ang malaking pagbabago ng singer ay hinangaan at pinuri ng mga netizen:

“Super ganda mo po (Moira) blooming 😘😘😘 love you Moi😘”

“nagmahal … nas@ktan … nagpaganda ❤️❤️❤️❤️love you miss Moira 😍❤️❤️❤️”

“slim and pretty”

Credit: @moiradelatorre Instagram

“Astig ni Moira ng sexy”

“Super stunning mo po nung Sunday… ang slim nyo na din po… sana all miss Moira.. sana pumayat din ako kagaya mo po.”