Mga pinagkainan ng aktor na si Joshua Garcia sa isang eatery, itinago at itinabi ng mistulang kainan!

Isa si Joshua Garcia sa mga sikat at mahusay na aktor sa kanyang generation. Maliban sa pagiging charming at taglay na kagwapuhan na talaga namang kinakikiligan ng kanyang fans at supporters, patuloy din na pinapatunayan ng aktor ang kanyang kakayahan sa larangan ng acting kaya naman talagang hinahangaan siya ng karamihan.

Credit:ย Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

Napili bilang magiging leading man ni Jane De Leon sa pinakaaabangang teleserye na “Darna”, abala ngayon si Joshua sa kanilang bawat taping. Habang nasa kalagitnaan ng pagfi-film, dumayo at kumain si Joshua kasama ang kanyang kapwa aktor na si Jeffrey Santos sa isang lokal na eatery sa San Jose Del Monte, Bulacan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ipinost pala ng owner ng eatery sa social media ang mga larawang kuha niya nang nagdine-in sina Joshua pati ang kanilang utensils at platong ginamit.

Credit:ย Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

“joshua garcia and jeffrey santos kahit sila nasarapan sa aj bagnet plain rice๐Ÿ˜๐Ÿ’ช,” sulat ng Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa kanilang caption.

Bilang isang sikat na aktor, hindi pinalagpas ng may-ari ng eatery ang pagkakataon na ibahagi sa publiko na safe at naitabi nila ang utensils na ginamit ni Joshua.

Ayon sa official na Facebook account ng nasabing eatery, “at ang kutsara na gamit ni josh naitabi pa po nmin ๐Ÿ˜‚”.

Credit:ย Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

Dahil sa kasikatan ng nag-iisang Joshua Garcia, talagang pumatok ito sa netizens. Sa katunayan, umabot pa nga ito sa news kung saan ay ini-ulat na nagmistulan na umanong relic ang kutsarang ginamit ng aktor dahil sa labis na atensyong nakukuha nito mula sa publiko.

Sa lagpas isang minutong video na ibinahagi ng News5 sa Twitter kung saan ay featured ang viral na larawan ng utensils na ginamit ni Joshua sa isang lokal na eatery sa Bulacan, talagang umabot ito sa atensyon ng aktor kung saan ay mayroon siyang nakakatawang reaksyon ukol dito.

“Krazy ๐Ÿ˜ณ,” say ni Joshua nang ni-retweet niya ang mismong ulat ng News5.

Credit:ย Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

Dahil sa reaksyong ito ng aktor, kaagad naman na nagkaroon ng sari-saring komento ang netizens. Iilan lamang sa mga ito ay:

“KRAZY POR U @iamjoshuagarcia ๐Ÿ’“”

“Ako papaframe ko HAHAHAHHAHAHA”

Credit:ย Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery

“Swempre The Joshua Garcia na yan. BEST ACTOR”

“ganon ka kalala bie HAHAHAHAHA idisplay yan, wag hugasan.”