Mga tagahanga nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, excited sa susunod na kabanata ng kanilang relasyon

Kilig is everywhere!

Credit: @mercadojenny Instagram

Kilala bilang isa sa mga couple sa showbiz na ilang taon nang nagsasama, hindi pa rin kumukupas ang kilig at pagmamahalan sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Maaalala nito lamang Enero 2, 2021 nang ipinagdiwang nina Jennylyn at Dennis ang ikapitong taon nilang pagsasama bilang magkasintahan kung saan ay nagbahagi ang aktor ng maikling video sa kanyang Instagram account kuha sa celebration ng kanilang anniversary.

“7th🥂🤍🎊,” sulat ni Dennis sa kanyang caption.

Credit: @mercadojenny Instagram

Bagama’t ilang taon nang magkasintahan, hindi napigilan ng netizens na magtanong kung may plano ba ang couple na magpakasal at mamuhay na bilang mag-asawa. Sa paglipas ng panahon, wala namang kahit anong kumpirmasyon o anunsyo sina Jennylyn at Dennis tungkol sa pagpapakasal.

Sapat na para sa kanilang fans ang makita ang iniidolo nilang couple na masaya sa kanilang relasyon kasama sina Calix at Alex Jazz na parehong anak nila sa kanilang ex-partner.

Wala mang kahit anong pahiwatig tungkol sa plano ng kanilang relationship, patuloy pa rin na umaasa ang kanilang fans na makakarinig ng magandang balita galing sa dalawa.

Credit: @mercadojenny Instagram

Kamakailan lamang nang lumabas ang bali-balitang pormal na umanong hiningi ni Dennis ang kamay ni Jennylyn sa pamilya ng aktres dahilan para kiligin ang kanilang fans ngayon.

Sa ngayon ay walang anunsyo ang dalawa lalo na’t kasalukuyang nagpapagaling si Jennylyn matapos magkaroon ng “med!cal em3rgency” sa kasagsagan ng lock-in taping niya sa inaabangang teleserye na “Love, D!e, Repeat”.

“Kung tutoo iyon nabalita at nabasa ko na namanhikan na mga parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya , Salve,” pahayag ng talent manager at kilalang columnist na si Lolit Solis kalakip ng ibinahagi niyang larawan nina Dennis at Jennylyn sa Instagram.

Credit: @mercadojenny Instagram

Dagdag pa ni Lolit, “Kasi nga hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala parin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae.”

Deserve umano ng aktres na makatanggap ng pagmamahal at pag-aalaga mula sa taong mahal na mahal nito.

“Jennylyn Mercado deserves the love and care ng tao na mahal niya na pinagkatiwalaan niya. Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila,” ayon kay Lolit.

Credit: @mercadojenny Instagram

Hiling naman ni Lolit, “Happy days for Jennylyn Mercado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness.”

Talagang sabik na sabik na ngayon ang fans nina Jennylyn at Dennis na malaman kung sa simbahan na ba ang punta ng couple!