Mga throwback picture ni Ina Raymundo, pinag-usapan ng mga netizen

May kagandahan talagang hindi kumukupas kahit ilang taon man ang lumipas. Katulad na lamang ni Ina Raymundo na hanggang ngayon ay nananatiling maganda at s3xy!

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

Kilala si Ina bilang isa sa mga sikat na aktres sa industriya ng showbiz. Maliban sa kahusayan niya sa pag-arte ay hindi rin maitatanggi ang kagandahan at ka-s3xyhan ni Ina. Sa katunayan, tinagurian siya ngayon bilang “h0t Momma” ng netizens sa kadahilanang nagmistulan pa rin siyang dalaga sa edad na 45.

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

Kumakailan lamang nang nagsimulang magbahagi si Ina ng mga “throwback” na larawan niya sa Instagram. Ayon sa aktres, nagsilbi umano niya itong paraan upang sariwain sa kanyang memorya ang mga alaalang hinding-hindi niya malilimutan noong dalaga pa lamang siya.

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

Huwebes, September 2 nang nagbahagi si Ina ng “throwback” na larawan kung saan ay makikitang nakasuot siya ng kulay pink na damit habang matamis na nakangiti sa harap ng kamera.

“Daydreaming was my favorite past time as a little girl.๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–” sulat ni Ina sa kanyang caption.

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

At dahil ngayon ay may mga anak na sa asawang si Brian Poturnak ay sinabi ni Ina na, “I daydream now for my kids.โœจโœจโœจ”.

Hindi naman naiwasan ng netizens at fans ni Ina ang magkomento kung gaano sila magkahawig ni Anika, ang babae niyang anak.

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

“Anika looks like you hereโ€ฆ” komento ni @raquelmallare

“Magkamukha cla ni anika baby! ๐Ÿ˜..mag nanay nga! ๐Ÿ˜…” sabi ni @me_hanruth

“Oh my๐Ÿ˜ฑ I thought it was Anika,” sabi naman ni @nengjuvie

Muli namang nagkagulo ang netizens nang nagbahagi si Ina ng larawan kuha noong 90’s kung saan ay kasama niya ang kanyang Ate.

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

“Me & My Ate @shelskie. Mga batang 90โ€™s.๐Ÿ˜ I love you sis๐Ÿ˜˜๐Ÿ’œโ™ฅ๏ธ “ pahayag ni Ina sa kanyang caption.

Hindi naman maitanggi ng fans ni Ina na halos wala siyang pinagkaiba ngayon sa dati nitong anyo. Kung meron man ay mas lalo lamang itong gumaganda.

“Gandang walang kupas,” komento ni @call_me_aisha16

Credit:ย @inaraymundo95 Instagram

Maliban sa pagkakakilanlan ni Ina bilang isang mahusay na aktres ay nabiyayaan din siya ng labis na kagandahan. Dahil dito, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga lalaking nahuhumaling sa kanya.

“When I had a bob and a permanent smirk,” caption ni Ina nang nagbahagi ng “black and white” na larawan kuha noong taong 1997.

Nang napansin ang halos walang pagbabago sa kagandahan ni Ina noon at hanggang ngayon ay nakuryoso ang kanyang fans sa sikreto ng aktres kung paano manatiling “young-looking” at “s3xy”.

Sa katunayan, walang itinatagong sikreto si Ina. Talagang “timeless” lamang ang kanyang kagandahan at mananatili ito sa patuloy na paglipas ng panahon.