Sa makabagong panahon, makabago na rin ang paraan sa lahat ng bagay dahil kasabay ng advent ng teknolohiya, patuloy din tayo sa pag-uupgrade pero tila’y wala naman ang nakapaghanda sa level-up ng mga manlilimos sa ibang bansa dahil ngayon kung walang barya na maibibigay ang kanilang nililimusan ay hindi na ito problema dahil ngayon, marami na silang options na pwedeng-pwede pagpilian.
Sa tuwing namamasyal tayo sa siyudad, madalas talaga tayong nakakakita ng mga manlilimos. Karamihan sa kanila ay may dinadamdam na sakit o may karga-karga na mga anak. Dahil sa nakakalunos nilang kondisyon, kuhang-kuha talaga nila ang ating sympathy kaya sa simpleng pagbibigay ng barya ay umaasa tayong makatulong ito sa kanila kahit papaano.
Credit: @gumabaomichele Instagram
Sa sitwasyon ng Pinas kung saan ay marami talagang mga kababayan natin ang nalulugmok sa kahirapan, nababagay lamang isipin na marami talaga ang namamalimos na lamang pero para sa ibang bansa na mas angat financially, hindi talaga kailanman sumagi sa ating isipan na may namamalimos din na mga tao doon hanggang natuklasan ito ni Michele Gumabao. Ang mas ikinagulat pa nga niya ay ang sosyal nilang paraan sa panlilimos!
Kung dito sa Pinas ay tinitigilan tayo ng mga manlilimos kapag wala tayong maibibigay na barya, ibang-iba naman sa Singapore dahil hindi na excuse ang kawalan ng barya dahil pwedeng-pwede na tayong makapagbigay ng pera online! Akalain mo ‘yun?
Kasalukuyan ngayong nasa Singapore ang pro na volleyball player na si Michele Gumabao at maliban sa magandang tanawin ng lugar, ang pinaka-memorable niyang encounter doon ay ang pagpapakita sa kanya ng barcode ng isang manlilimos nang sinabihan niyang wala siyang cash.
Sa tweet ni Michele nito lamang Miyerkules, ibinahagi niya kung paano siya pinakitaan ng barcode ng isang manlilimos sa Singapore nang sinabihan niya ito na hindi siya makapagbibigay dahil wala siyang dalang cash.
Credit: @gumabaomichele Instagram
“May nanlimos dito sa SG, sabi ko sorry no cash. Pinakitaan ako ng barcode 😨,” tweet ni Michele.
Sa funny na encounter ni Michele sa isang sosyal na manlilimos sa Singapore, kaagad namang kinaaliwan ng netizens ang cashless nilang transaction.
“No more excuse daw ganda . Take care MG and enjoy sa SG “
“Upgrade Hahaha”
Credit: @gumabaomichele Instagram
“cashless n po”
“Scan to pay n kc madalas ginagamit dtoWala masyado hawak na cash kaya kahit mawala wallet d masakit masyado”
“WAHAHAHAHA next level panlilimos advance si SG e”
Dulot ng modernisasyon, talagang may malaking impact ito sa paraan ng ating pamumuhay at hindi naman nito exception ang mga manlilimos. Sadyang mas nauna lang talaga sa pag-level up ang mga manlilimos sa Singapore!