Walang ibang tao maliban sa ating sarili ang tunay na nakakaalam sa ating definition ng kasiyahan. Kung ang akala ng iba ay nahahanap ito sa spotlight, mayroon namang iba na nakakahanap ng sariling happiness sa simpleng mga bagay katulad na lamang ni Miho Nishida na nilisan ang showbiz upang magkaroon ng ordinaryo at normal na buhay sa ibang bansa.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Bagama’t marami namang baguhang artista ang patuloy na sumisikat ngayon sa mundo ng showbiz, talagang imposible para sa karamihan na makalimutan si Miho Nishida. Matapos sumali sa Pinoy Big Brother 737 noong taong 2015 kung saan ay itinanghal siya bilang Big Winner, sinubukan naman ni Miho ang pagiging aktres at sa loob ng limang taong pananatili niya sa industriya, matagumpay naman niyang napalago ang kanyang career.
Sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan, isa pa rin si Miho sa mga artistang labis na naapektuhan sa pagdating ng p@ndemya. Katulad ng iba, nawalan din siya ng trabaho kaya naman naging mahirap para sa kanya ang manatili sa Pilipinas.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Sa layuning kumita ng pera sa kalagitnaan ng p@ndemya, kinailangan ni Miho na isakripisyo ang kanyang career bilang isang aktres at bumalik sa Japan noong Agosto 2020 upang maghanap ng trabaho.
Sa isang eksklusibong interview ng Kapamilya Update kumakailan lamang, ikinuwento ni Miho ang buhay niya ngayon habang nasa Japan.
“Nag-decide ako bumalik ng Japan dahil nagkaroon ng lockdown tapos inisip ko parang wala kaming taping. Wala lahat kasi nga dahil sa virus so parang naisipan ko since Japanese citizen naman ako, umuwi muna ako ako dito sa bansa ko sa Japan para magtrabaho,” kuwento ng aktres.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Kilala man bilang isang aktres sa lokal na industriya ng showbiz, mas pinili ni Miho na maging practical kesa naman magkulong siya sa kanilang bahay at walang makain dahil walang kinikita.
Ibinahagi rin ng aktres na kasalukuyan siya ngayong nagtatrabaho sa isang ‘aesthetic salon’.
“Ang work ko dito sa Japan ay aesthetic salon. Ang ginagawa ko ay nagpapaganda ako ng tao,” masayang sabi ni Miho.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Maliban sa simpleng buhay at trabaho ngayon ng aktres sa Japan, masaya rin na ibinalita ni Miho ang kanyang buhay pag-ibig.
“Yes, meron. Ano lang siya, ordinaryong tao. Non-showbiz and ang work niya is businessman,” ayon sa aktres.
Malaki man ang pinagbago ng kanyang buhay at kahit na’y sobrang kakaiba naman ang ginagawa niya ngayon kumpara sa dati niyang trabaho bilang isang aktres, inamin naman ni Miho na wala nang makakatumbas pa sa nahanap niyang kasiyahan sa simpleng pamumuhay.