Mikael Daez, proud na sinabing hindi siya in love kay Megan Young dahil sa kanyang titulong Miss World 2013

Karamihan sa atin kapag tatanungin, hindi talaga nalalayo si Megan Young sa napanalunan niyang malaking title sa mundo ng pageantry ngunit para sa kanyang asawa na si Mikael Daez, sobrang laki umano ng pinagkaiba ni Megan mula sa pagiging Miss World 2013.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Matapos ibahagi ang detalyadong kuwento sa kanilang pagmamalan simula pa talaga ‘nung una silang nagkilala hanggang naging Mr. and Mrs. Daez na, ibinahagi rin ng couple ang isa sa pinakamalaking pagsubok sa kanilang relationship at ito ay ang panahon nang sumali si Megan sa Miss World noong taong 2013.

Ayon sa beauty queen, pinag-iisapan na talaga niyang sumali noong 2012 pero malaki umano ang pagdududa niya sa sarili pero dahil sa suportang ibinibigay ni Mikael sa kanya, nagkaroon umano ng motivation at confidence si Megan.

“Pero 2012, I was already considering it. And then sabi ko sa kanya (Mikael), ‘I don’t know if kaya ko ‘to’ tapos sabi niya ‘Bakit hindi mo subukan? Kesa naman magkaroon ka ng what-if, ‘di ba? And then at the end of the day, iniisip mo pa rin,'” pagbabalik-tanaw ni Megan.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Dahil sa paghahanda para sa sasalihang internasyonal na pageant, hindi na umano madalas na nakakapag-meet ang dalawa pero nararamdaman pa rin ni Megan ang support ni Mikael.

“Before getting into Miss World, malaking factor talaga siya sa’kin na siya ‘yung nag-push. And he gave me the confidence,” ayon kay Megan.

Sobrang challenging umano sa kanilang relationship ang “physical separation” pero malaki naman ang pasasalamat ni Megan at Mikael dahil sa mga panahong magkalayo umano sila, naka-focus naman sila sa kanilang sariling “growth”.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Nagbalik-tanaw din si Megan sa pagkakataon noon nang natunghayan ang emosyonal na moment ng iilan sa kanyang competitors sa Miss World dahil sa problema sa kani-kanilang lovelife pero dahil sa maayos na pagma-manage nila ni Mikael sa kanilang relationship kahit na’y malayo sa isa’t-isa, talagang confident si Megan at matagumpay nga niyang nauwi ang pinakaunang korona ng Pilipinas sa Miss World.

Ayon kay Mikael, sa kabila umano ng malaking title na napalalunan ng girlfriend, nananatili pa rin ang dating Megan Young na nakilala niya kaya naman hindi napigilan ng beauty queen na ma-touch.

“Honestly, hindi ko naiisip ‘yung mga bagay na iyon because for me, I’m not in love with Miss World. I’m in love with Bonez (Megan),” aniya.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Kabaliktaran sa mararamdaman ng ibang lalaki kapag nanalo sa isang competition ang kanilang girlfriend, nilinaw ni Mikael na hindi siya kailanman na-inlove sa title na napalalunan ni Megan Young kundi sa kanya mismo.