Miko Raval, ikinasal na sa kanyang non-showbiz fiancèe na si Kaira Dimatulac

Ikinasal na ang “The K!ller Bride” actor na si Miko Raval sa kanyang longtime girlfriend at college sweetheart na si Kaira Dimatulac. Matatandaan na bago magtapos ang taong 2019 ay na-engage ang matagal nang magkasintahan sa South Korea. At nito lamang Lunes, February 1, nagpalitan na ng kanilang “I Do” sina Miko at Kaira.


Credit: Miko Raval Instagram

Ginanap ang intimate church wedding nina Miko at Kaira sa Our Lady of Ephesus Chapel, sa Bella Rose Gardens sa Silang, Cavite.

Ipinost naman ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram page ang ilang magagandang larawan ng bagong kasal.

“Just married. Congratulations and Best wishes @mikoraval and kairadimatulac,” caption ng kilalang photographer at videographer services company sa wedding photo ng celebrity couple.

Sa ilang video naman na ibinahagi ng mga kaibigan nina Miko at Kaira, makikita ang aktor na emosyonal habang naglalakad ang kanyang napakagandang bride sa aisle.


Credit: Miko Raval Instagram

Tila marami naman sa mga tagahanga ni Miko ang “nalungkot” dahil nga kasal na siya.

Gayunpaman, maraming tagahanga ni Miko na nakilala ng lahat bilang kaparehas ng aktres na si Maja Salvador sa “The Killer Bride” na si Favio Serrano ang nagpahayag ng kanilang pagbati sa Instagram. Komento nila:

“Congrats papa Fabio and wifey”

“Aww kinasal na si papa pabio beb hahahahaha”

“Si papa fabio kasal na”


Credit: Miko Raval Instagram

“oh my Fabio. wala na tlaga tayong pag-asa. Congratulations. Best Wishes to both of you…”

“Huhu kinasal na yung crush ko”

Mas nakilala nga si Miko sa mundo ng pag-arte ng mapabilang siya sa Kapamilya drama serye na “The K!ller Bride”.


Credit: Miko Raval Instagram

Sa panayam naman nina Miko at Kaira sa “Magandang Buhay” noong nakaraang taon, ikwenento nila na taong 2012 nagsimula ang kanilang relasyon. Sa parehong taon din ay unang pumasok si Miko sa showbiz industry.

Bago ang kanilang kasal, nangako si Miko na magsisikap siyang ibigay kay Kaira ang mga bagay na nararapat rito.


Credit: Miko Raval Instagram

Aniya, “I will work the hardest leading up to our wedding day dahil she deserves nothing but the best.”

Samantalang si Kaira naman ay nangakong susuportahan niya si Miko sa karerang tinahak nito.

Ani Kaira, “Promise ko lang I will be supporting you dito sa journey mo. Ito na ‘yung dream mo natutupad na and I will just be here with you supporting you all the way. I promise na hanggang we’re together you will be happy.”

Credit: Miko Raval Instagram

Bukod sa pag-arte, isa ring negosyante si Miko. Kasama si Kaira bilang kanyang kasosyo, itinayo nila ang kanilang clothing manufacturing business na Steeze Design Studios noong 2013.