“Miracle baby” ni Assunta de Rossi na si Fiore, nagdiwang ng kanyang ika-1 kaarawan!

Isa sa mga ipinagpapasalamat ng dating aktres na si Assunta de Rossi at ng kanyang asawang businessman-politician na si Jules Ledesma ay ang pagsilang ng kanilang unica hija na si baby Giulia Fiorentina Alessandra na kilala rin sa kanyang magandang palayaw na “Fiore.”

Credit: @assuntaledesma Instagram

Matatandaang noong Oktubre 23, 2020 nang isinilang ng dating aktres si baby Fiore na itinuturing nilang “miracle baby”. Lingid sa kaalaman ng marami, halos 20 taon ding hinintay nina Assunta at Jules si baby Fiore dahil sa hirap ang aktres na magbuntis. Kaya naman masasabing milagro at blessing talaga si Fiore sa buhay ng mag-asawa.

Kay bilis namang lumipas ng panahon dahil parang kailan lang noong unang masilayan ng publiko ang napakaganda at napakabibong si baby Fiore at ngayon ay 1-taong gulang na ito!

Credit: @assuntaledesma Instagram

At kamakailan, ibinahagi ni Assunta sa kanyang Instagram account kung paano nila ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang napakagandang anak.

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Assunta ang ilang larawang kuha mula sa 1st birthday celebration ni baby Fiore.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Ayon naman kay Assunta, araw-araw silang nagpapasalamat sa Panginoon dahil kay Fiore.

Pahayag niya, “Everyday, we thank the Lord for you. Happy birthday, little miracle!”

Marami ang nakakaalam na bukod kay Assunta, may isang tao pa na araw-araw ding nagpapasalamat sa Panginoon sa pagsilang ni Fiore at iyon ay walang iba kundi ang TV actress na si Alessandra de Rossi.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Alessandra ang kanyang birthday message para sa kanyang pamangkin!

Ani Alessandra, “I thank you Lord every day for our greatest miracle. We love you Fiore! Happy happy birthday.”

Ibinahagi rin ni Alessandra ang ilang cute na larawan nila ni Fiore noong kaarawan ng huli na labis na kinagiliwan ng mga netizen.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Samantala, hindi naman pinalampas ng maraming netizens na batiin at ibahagi ang kanilang mga matatamis na mensahe para kay Fiore sa kaarawan nito. Komento ng netizens:

“Happiest birthday miracle baby Fiore. Best of health and love”

“She’s so adorable Happy birthday little one.”

Credit: @assuntaledesma Instagram

“Happy birthday, Fiore! You’re God’s miracle!”

“An evidence of God’s goodness…happiest birthday baby fiore”