Miriam Quiambao kasama ang kanyang pamilya, handa na sa buhay probinsya sa Boracay!

Nasanay naman sa buhay sa siyudad, hindi pa rin naiwasan ng iilan na ma-tempt sa kagandahan at kapayapaang hatid ng buhay sa isla. Isa na nga sa mga ito ay si Miriam Quiambao na ngayon ay lumipat na sa Boracay kasama ang kanyang pamilya.

Credit: @miriamq888 Instagram

Maliban sa pagkakakilanlan ni Miriam Quiambao sa mundo ng pageantry kung saan ay itinanghal siya bilang first runner up sa Miss Universe 1999, isa rin siyang sikat at mahusay na aktres at TV host.

Dahil sa nature ng kanyang profession, talagang kinakailangan niyang manatili sa siyudad pero kumakailan lamang, napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na si Ardy Roberto na lumipat sa Boracay kasama ang kanilang mga anak upang magkaroon ng simpleng buhay malayo sa showbiz.

Sa Instagram, ibinahagi ng dating beauty queen ang kuwento sa kanilang paglipat kalakip ng mga larawang kuha niya nang nasa eroplano pa lamang sila at ang unang araw nila sa bagong tahanan.

Credit: @miriamq888 Instagram

“Last Feb 10, Thursday, we finally took a flight to Boracay. After we have cleared the rented house and sent off all other remaining items, we took a van to the airport & rode a plane to Caticlan,” kuwento ni Miriam.

Credit: @miriamq888 Instagram

Dagdag pa niya, “Finally, all 7 of us took the journey on a plane, a shuttle, a boat and a van to our new home.”

Nang sumapit ang dapit-hapon, doon lamang nag-sink in kay Miriam na “worth it” ang lahat ng struggles at problemang pinagdaanan ng kanyang pamilya noong nagdaang mga linggo.

Credit: @miriamq888 Instagram

“At the end of day, staring at the Boracay sunset and witnessing how the kids are enjoying their new life on the island makes all the stress and struggles of the past weeks worth it,” aniya.

Mukhang plano naman ni Miriam at ng kanyang pamilya na manirahan sa isla sa buong taon ng 2022 dahil sa ginamit niyang hashtag sa post na #365DaysInBoracay.

Credit: @miriamq888 Instagram

Ayon kay Miriam, “Believing that the Lord has a great and wonderful purpose for us here, we look forward to living the island life for the rest of the year. One thing is for sure, this new chapter in the #RobertoFamilyAdventure is going to be the best year yet!”

Sa ikalawang araw naman ng pamilyang Roberto sa Boracay, ibinahagi naman ni Miriam na therapeutic para sa kanilang mga anak na sina Elijah at Ezekiel ang desisyon nila ng asawa na manirahan sa isla dahil marami umanong nadi-discover ang mga bata na talaga namang makakatulong sa kanilang development.