Miriam Quiambao, matagumpay na isinilang ang pangalawang miracle baby sa edad na 46

Isang himala para kay Miss Universe 1999 first runner up na si Miriam Quiambao nang ipinagbuntis niya ang pangalawang anak kung kaya’t sobrang saya na lamang ang kanyang naramdaman nang inanunsyo niya sa publiko ang magandang balita noong Disyembre sa nakaraang taon.

Credit: @miriamq888 Instagram

Dahil sa matinding kasiyahan ay nagkaroon si Miriam ng maternity photosho0t noong July 10 na ibinahagi niya sa kanyang Instagram.

Ayon sa TV host at dating beauty queen na si Miriam na ang pagbubuntis niya umano sa edad na 46 ay isang nakakahangang experience. Sa katunayan ay na-diagnose siya at ang kanyang asawa na si Ardy Roberto, isang inspirational speaker, ng infert!lity kaya abot langit ang saya ng mag-asawa nang nalamang ipinagbubuntis ni Miriam ang pangalawa nilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ardy Roberto (@ardyroberto)

“Being pregnant at 46 years old is an amazing experience for me. It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infert!lity for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband @ardyroberto said, it’s like lighting strik!ng twice!!! 🙌🏼” pahayag ni Miriam sa kanyang caption.

Credit: @miriamq888 Instagram

July 12 ngayong taon nang inanunsyo ni Miriam sa Instagram na matagumpay niyang isinilang ang isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang si Ezekial Isaiah Quiambao-Roberto na may palayaw na “Ziki”.

Credit: @miriamq888 Instagram

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Miriam sa lahat ng nagdasal at sumubaybay sa kanila noong ipinagbubuntis pa lamang niya si baby Ziki.

“Thank you to all of you who prayed and journeyed with us this far. Do keep us in your prayers as we transition into a new season of our family life,” pasasalamat ni Miriam.

Hindi rin niya nakalimutan ang magpasalamat sa Panginoon dahil sa paggabay sa kanilang pamilya mula pa man noon hanggang ngayon.

Credit: @miriamq888 Instagram

“Indeed, God is good! Praise God who has provided, strengthens and sustained us thus far. His grace is sufficient and our dependence is on Him who has blessed us with another miracle! All praise and glory to God!”

Sa kasalukuyan ay pansamantalang nananatili ang mag-asawang si Miriam at Ardy sa Asian Hospital and Medical Care.

Credit: @miriamq888 Instagram

Taong 2014 nang ikinasal ang dating beauty queen kay Ardy Roberto at nabiyayaan ng una nilang anak na si Elijah noong 2019 matapos ang ilang taong paghihintay. Ngayon naman ay muling nabiyayaan ang mag-asawa nang dumating si baby Ziki sa kanilang buhay. Bukod kay Elijah at baby Ziki ay may anak rin si Ardy sa dati nitong asawa na si Joshua.