Congratulations, Katarina!
Credit: @katarinarodri Instagram
Talagang pinatunayan ni Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez na napakatapang niya bilang isang babae nang nagawa niyang lagpasan ang hirap at matagumpay na isinilang ang kanyang baby boy.
Sa mundo pa lamang ng pageantry, kilala na si Katarina sa kanyang kagandahan, katalinuhan at dahil sa kanyang kahanga-hangang katapangan. Muli itong pinatunayan ng beauty queen nang sumailalim sa “water birth” upang isilang ang baby boy nila ng partner na si Niño Barbers.
Miyerkules, August 25 nang isinilang ni Katarina ang kauna-unahang anak nila ng partner na pinangalanan nilang si baby Robert Joaquin. Kaagad naman na nagpaabot ng pagbati at inulan ng positibong komento ang bawat post ni Katarina na magkakasunod niyang ibinahagi sa Instagram.
Credit: @katarinarodri Instagram
Bago isilang at ipakilala si baby Robert Joaquin sa mundo, aminado si Katarina na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Sa proseso ng kanyang panganganak, nagkaroon umano siya ng “realization” at ito ay ang pagkilala niya sa kanyang kakayahan bilang isang babae.
“What’s the essence of a woman? Her POWER. Power to rule her mind and her body. Power to overcome pain that feels like de@th but in turn births life. The power to do whatever it is she puts her mind to,” saad ni Katarina sa kanyang caption kalakip ng mga larawan niya habang siya’y sumasailalim sa “water birth”.
Ayon kay Katarina, 2:30 umano ng madaling araw nang siya’y lumusong sa hinandang inflatable pool at matapos ang ilang oras, sa wakas ay isinilang na niya ang isang malusog na baby boy.
Credit: @katarinarodri Instagram
“And finally at 4:02am after 3 and a half intense hours and one big push, my boy came swimming into our world,” sabi ng beauty queen.
Samantala, kinagiliwan din ng netizens ang larawang ibinahagi ni Katarina kung saan ay makikitang nakadapa sa kanyang dibdib si baby Robert Joaquin. Maputi, may maamong mga mata, at mapulang mga labi, kaagad na nasabi ng karamihan na katulad ng kanyang Mommy at Daddy, lalaki ito bilang isang gwapong bata!
Credit: @katarinarodri Instagram
“4:02AM of August 25, 2021
Robert Joaquin Rodriguez Barbers
st0le my heart like no one has before 🤍,” pagpapakilala ni Katarina sa kanyang baby boy.
Credit: @katarinarodri Instagram
“Congratulations Katja and Niño!!! 👶🏻👶🏻👶🏻👶🏻🥺🥺🥺” pagbati ng kapwa beauty queen ni Katarina na si Kylie Versoza.
“😍🥰🤗 so proud of you, amazing woman! Congratulations to you both. 🤍🤍🤍,” saad naman ni Emmanuelle Vera.
Credit: @katarinarodri Instagram
“Awwwwwwww katarina!!! What a beautiful baby boyyyy ❤️❤️❤️ love and congrats to you and Nino!” komento ni Quark Henares.
Mahirap man ang pinagdaanan, wala namang katumbas ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Katarina sa pagdating ni baby Robert Joaquin sa buhay nila ng partner.