Miyembro ng BoybandPH na si Tristan Ramirez, ikinasal na sa kanyang longtime girlfriend!

Natagpuan na ng actor-singer na si Tristan Ramirez ang kanyang ‘forever’ sa katauhan ng host na si IA dela Cruz.

Credit: @boyband_tristan Instagram

Lingid sa kaalaman ng lahat, si IA ay ang kapatid ng kilalang MYX VJ at even host na si Ai dela Cruz.

Bumuhos nga ang mga pagbati para sa miyembro ng grupong BoybandPH matapos niyang inanunsyo na ikinasal na sila ni IA na kanya namang longtime girlfriend.

Nitong October 11 lamang ay kinilig ang marami matapos mag-post sa kanyang Instagram account si Tristan ng isang litrato ng kamay nila ni IA suot ang kanilang wedding rings. Nilakipan pa ito ni Tristan ng caption na, “Good morning, Wifey @iadelacruz #LoveTristanIA”

Credit: @boyband_tristan Instagram

Sa sumunod naman na post ni Tristan ay ibinahagi niya ang ilang official wedding pictures nila ni IA.
Makikitang pribado at intimate ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple na ginanap sa isang simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa Cubao, Quezon City.

Pahayag pa ni Tristan, pinakamasayang araw ng kanyang buhay ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni IA na tatlong taon muna niyang naging kasintahan bago niya ito inalok ng kasal noong July 4.

“Best day of my life. Thank you, God! I love you forever, My Wifey @iadelacruz,” pahayag ni Tristan sa kanyang post.

Credit: @boyband_tristan Instagram

Si Tristan ay nakilala ng marami dahil sa kanyang talento sa pagkanta at kagwapuhan. Siya ay sumikat sa showbiz bilang isang singer matapos siyang mapabilang sa sikat na Pinoy boyband group sa bansa na BoybandPH kasama ang apat pang naggwagwapuhan at talentadong mga lalaki na sina Joao Contancia, Russel Reyes, Ford Valencia at Niel Murillo.

Matatandaang nabuo ang kanilang grupo noong 2016 nang magwagi sila sa Kapamilya singing competition na “Pinoy Boyband Superstar.” Kabilang nga ang mga kagrupo ni Tristan sa mga nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni IA.

Credit: @boyband_tristan Instagram

Ipinahayag naman ni IA sa kanyang Instagram post ang kanyang labis na kasiyahan dahil aniya, natagpuan na umano niya sa wakas ang taong kanyang mamahalin ng habambuhay.

“I have found the one whom my soul loves. Thank you, God. I love you, my husband and forever crush @boyband_tristan,” saad ni IA.

Credit: @boyband_tristan Instagram

Samantala, nagpaabot ng kanilang pagbati at best wishes ang ilang showbiz friends ni Tristan para sa kanilang mag-asawa.

Credit: @boyband_tristan Instagram

Ilan lamang sina Dion Ignacio, MayMay Entrata, Darren Espanto, at Sanya Lope sa mga bumati kina Tristan at IA.