Model-Beauty Queen na si Katarina Rodriguez, soon-to-be mommy na!

Ginulat ng model-beauty queen na si Katarina Rodriguez ang kanyang fans matapos niyang inanunsyo na siya ay kasalukuyang nagdadalang-tao.

Credit: @katarinarodri Instagram

Sa vlog na inupload ni Katarina sa kanyang YouTube channel nitong August 9, masaya niyang ini-reveal ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kanyang nobyo na si Niño Barbers.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Katarina ng humarap siya sa kanyang mga subscriber at ibahagi ang aniya’y matagal na niyang itinatagong sekreto. At ito nga ay ang kanyang pagdadalang-tao.

Ayon pa kay Katarina, excited siyang ibahagi sa marami ang kanyang pagbubuntis na mahigit pitong buwan na niyang itinatago.

Credit: @katarinarodri Instagram

“Hey, everyone. It’s Katarina. I’m so excited to finally share the big announcement that I have, the secret that I have keeping for the past seven months, eight months. And that secret is…I’m pregnant! “

Mapapanood sa vlog si Katarina na naghihintay sa resulta ng kanyang pregnancy test. At nang makumpirma sa pamamagitan ng pregnancy test na siya ay tunay na nagdadalang-tao, kaagad na sinabi ni Katarina kay Niño ang magandang balita kahit pa alam na nito na siya ay buntis dahil sa kanyang malaking baby bump.

Credit: @katarinarodri Instagram

Sa huli ay natawa na lamang si Niño sa kalokohan ni Katarina at masuyo niya itong niyakap at hinal!kan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katarina (@katarinarodri)

Samantala, ipinasilip din ni Katarina ang masaya nilang pamumuhay sa Siargao sa vlog. Lingid sa kaalaman ng marami, naninirahan sina Katarina at Niño sa pagmamay-aring beach resort ng pamilya ni Niño na Bayud Boutique Resort.

Makikita si Katrina na masayang nakikipag-bonding sa mga kaibigan niya sa Siargao. Sa isang larawan ay makikita pa na nakikipag-bonding si Katarina sa aktres na si Andi Eigenmann.

Credit: @katarinarodri Instagram

Ini-enjoy din ng soon-to-be mom ang napakagandang dagat ng Siargao. Bukod sa pagsi-swimming, ipinakita rin ni Katarina ang kanyang pregnancy workouts at maging ilan sa behind the scenes ng kanyang isinagawang maternity photoshoot.

Si Katarina ay sumikat nang maging pambato siya ng Pilipinas sa ilang international beauty pageants tulad ng Miss Continental 2017 at Miss World 2018.

Credit: @katarinarodri Instagram

Nakilala rin si Katarina ng marami sa mundo ng modelling nang manalo siya bilang 3rd-runner up sa pangalawang season ng Asia’s Next Top Model.