Modern rustic farmhouse nina Zsa Zsa Padilla at ng kanyang fiancè na si Architect Conrad Onglao, bukas na para sa mga bakasyunista!

Swak para sa magpamilya, magbabarkada at magkasintahan ang malawak at napakagandang farmhouse ng singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla sa Piis, Lucban sa probinsya ng Quezon.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Pinangalanan ni Zsa Zsa at ng kanyang fiancè na si Architect Conrad Onglao ang kanilang farmhouse na “Casa Esperanza”.

Ang pangalang “Esperanza” ay nakuha nila mula sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa na Esperanza na ang ibig sabihin sa Spanish ay “hope”.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Tiyak na makakapag-relax at makakapagmuni-muni ka sa payapa at probinsya feels ng farmhouse ni Zsa Zsa na kumpleto sa mga pasilidad.

Matatandaan na unang ipinasilip ni Zsa Zsa ang loob ng farmhouse sa publiko sa kanyang YouTube channel noong nakaraang taon.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Kung noon ay hindi pa ito natatapos at bukas sa publiko, ngayon ay masayang inanunsyo ni Zsa Zsa na bukas na ang farm sa mga bakasyunista.

Nitong Marso 14 lamang, inanunsyo ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram account na bukas na ang kanilang farmhouse para sa mga booking.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Ayon kay Zsa Zsa, magbibigay sila ng isang espesyal na diskwento para sa unang tatlong magbo-book.

Ani Zsa Zsa, “Hi! Happy to announce that we are available for reservations!!! We are listed on Air BnB. We are offering a special discount for first three bookings! See you! Thank you so much @niceprintphoto 📷 @version.ph”

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Sa kanyang Instagram post din ay ibinahagi ni Zsa Zsa ang ilang larawan ng mga pasilidad at tanawin na makikita sa Casa Esperanza.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Tulad na lamang ng kanilang salt water swimming pool, mga casita, pavillion at ang kanilang pond na napapalibutan ng mga luntiang bulaklak.

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Idinetalye naman noon ni Conrad sa vlog ni Zsa Zsa na modern rustic ang architectural design ng kanilang 2 hectares farmhouse.

Ani Conrad, “The architectural design is modern rustic farm house. Rustic because we use recycled yakal wood. Modern would be the glass walls and roofing.”

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Dagdag niya, “The roofing is a pre-formed batten type long span inspired by the black roofings from New Zealand. Our decorating appointments accessories and artifacts are mostly Asian items collected through the years.”

Credit: @zsazsapadilla Instagram

Masasabi mong pangalawang tahanan na nina Zsa Zsa at Conrad ang kanilang farmhouse na una nilang sinimulang ipagawa noong March 2018.