Moira Dela Torre, exposed ang pagiging Moira Dela TAWA sa bloopers ng kanyang videos

Sa panahon ngayon, sino nga ba ang hindi pa nakakakilala kay Moira Dela Torre? Isa lamang naman siya sa mga gem at iconic na singers sa mundo OPM ngayon dahil sa tuwing siya’y kumakanta at nagre-release ng bagong kanta, hindi lang naman siya kailanman nabigo na iparamdam sa atin ang bawat emosyon.

Credit:Β Moira dela Torre Facebook

Sa kabuuan ng career ni Moira Dela Torre, madalas talaga natin siyang naiuugnay sa soft at mapan@kit na mga music kaya sa tuwing napapanood natin siya sa telebisyon habang nagpe-perform at kumakanta, ramdam na ramdam talaga natin ang bawat emosyon dahil sa kanyang expression at dahil sa pagiging solemn ng kanyang boses kaya isa talagang panibagong experience kapag nakikita natin siyang tumatawa dahil tila’y nasanay na talaga tayo sa kanyang “sweeping ” voice at mellow na vibes.

Sa latest na video na ibinahagi ni Moira sa Facebook at Instagram, ipinasilip lang naman niya kung ano talaga ang madalas na nangyayari sa likod ng kanilang music jam at ito ay ang maya’t-maya niyang pagtawa. Kung hindi dahil sa pag-eexpose ng kanyang kaibigan na si Jason Maximo sa pamamagitan ng pag-eedit ng bloopers ay hindi sana natin masasaksihan ang playful at funny na side na ‘to ni Moira.

Credit:Β Moira dela Torre Facebook

Kahit na’y ilan sa kanyang mga kinanta ay ang mapanakit niyang composition, hindi pa rin talaga napipigilan ni Moira ang kanyang urge na matawa dahil sa mali-mali niyang pagkakabigkas sa lyrics o ‘di kaya’y natutulala habang nasa kalagitnaan ng pagkanta.

At dahil madalas niyang hindi napipigilan na matawa, binansagan siyang “Moira Dela TAWA” na sobrang namang kinaaliwan ng netizens.

Sa likod ng kanyang hurtful at heart-rending na mga kanta, comical at punong-puno naman ng tawa ang BTS ng kanyang bawat video dahilan kung bakit bentang-benta talaga ito sa netizens.

“HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA MOIRA DELA TAWA”

Credit:Β Moira dela Torre Facebook

“this is so nice and refreshing to watch!! πŸ™ŒπŸ‘β€πŸ˜πŸ˜‚. Loving Moira on her side like this. more pls!!😁😘. gusto ko yung Moira dela Tawa”

“Hahaha, ganito pla yun. Hindi halata🀣”

“Ang saya ng bts mo ate Moi”

Credit:Β Moira dela Torre Facebook

“HAHAHAHAHAHA nakakaaliw naman naka kawala ng pagod ate Moi!! ❀😍😊”

Sino nga ba ang mag-aakala na ang singer na madalas tayong sina@ktan sa kanyang mga kanta ay patawa-tawa lamang pala sa bloopers? Sa pagbabahagi ni Moira ng BTS ng kanyang videos, nadiksubre lang naman natin ang kanyang comical side na tunay nga na refreshing panoorin!