Isa sa mga popular at patok ngayon na gaming console ay ang Sony PlayStation5. Dahil sa mataas na demand, ang PS5 ay palaging sold-out ilang minuto lamang matapos itong i-restock sa merkado. Kaya naman nag-aagawan ang marami para lamang makabili ng PS5. Sa Pilipinas, ang PS5 ay nagkakahalaga ng higit-kumulang 27,990 piso.

Kamakailan lamang maraming mga artista ang nagpo-post sa kanilang social media ng mga nabili nilang PS5. Isa na nga sa mga bumili ng PS5 ay ang OPM singer-songwriter na si Moira Dela Torre para iregalo sa kanyang mister na si Jason Marvin Hernandez para sa kanilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa.
Sa isang TikTok video, mapapanood ang pagsusurpresa ni Moira kay Jason. Ikwenento ni Moira na matagal na umanong gustong bumili ni Jason ng isang PS5.
July 2020 nang mag-Tweet si Jason sa kanyang Twitter ng litrato ni Moira na may caption na, “The ‘I made the right choice’ look.”

Tila nilalambing ni Jason si Moira para payagan na siya nitong bumili ng PS5. Nag-reply nga si Moira sa Tweet ni Jason at sinabing, “Hindi nga tayo bibili ng PS5.”
Ngunit makalipas ang ilang buwan, ay ibinigay din ni Moira ang kanyang “blessing” sa kanyang mister para bumili ng PS5.
Gayunpaman, tumanggi umano si Jason na bumili ng PS5 dahil pinili niyang gamitin ang pera upang ibigay sa mga nasal@nta ng bagy0.
Kwento ni Moira, “When I gave him my blessing to get a PS5, he said he didn’t want it anymore and that he’d rather donate the money to the families affected by the st0rm.”

Nakita umano ni Moira kung gaano ka-selfless ang kanyang mister kaya naman bilang regalo ay siya na mismo ang bumili ng PS5 para rito.
January 14 pa ang wedding anniversary nina Moira at Jason ngunit noong January 8 ay sinopresa na ng singer ang kanyang mister.
Ani Moira sa video, “So, it’s our anniversary and this came in. We’re going to hide it in the Ottoman.”
Dagdag niya, “He’s been working so hard and has been so selfless this entire p@ndemic.”

Nakakaaliw at nakakaantig namang tingnan ang reaksyon ni Jason nang makita na niya ang PS5 sa loob ng Ottoman.
Tila nawalan ng lakas si Jason at napahiga na lamang matapos makita ang sorpresa ni Moira para sa kanya.
a surprise for my best friend💕 pic.twitter.com/PXQ4k1RV5o
— Moira Dela Torre (@moirarachelle4) January 13, 2021
Pagkatapos ng ilang minuto, natulala na lamang si Jason. Mukhang hindi makapaniwala si Jason na sa wakas ay mayroon na siyang PS5 na matagal na niyang inaasam.
Puno ng pagmamahal naman na nagpasalamat si Jason kay Moira. Sa huling bahagi ng video ay binati ni Moira ng ‘Happy Anniversary’ ang kanyang best friend-turned-husband na si Jason.

Mensahe ni Moira sa kanyang mister, “Happy 2nd anniversary to my best friend. I love you.”