Tunay ngang napakabilis lumipas ng panahon. Parang kailan lamang kasi ay sobrang excited at masaya pa si Anne Curtis na ibahagi sa mga madlang people na siya ay buntis sa unang anak nila ng kanyang mister na si Erwan Heussaff.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Tila kailan lamang din nang lumipad patungong Australia si Anne para roon isilang ang anak nila ni Erwan. Parang kahapon lamang din nang isilang ni Anne ang kanilang napakagandang anak na si Baby Dahlia Amèlie at ipinost niya sa kauna-unahang pagkakataon ang litrato nito sa social media.
At ngayon nga ay ipinagdiwang na nila ang unang kaarawan ng kanilang munting prinsesa na labis na nagpapasaya sa kanila.
Nitong March 2, ay isang taong gulang na nga ang internet star na si Baby Dahlia Amèlie.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Ipinasilip naman ni Anne sa kanyang Instagram account kung paano nila ipinagdiwang ang unang kaarawan ni Baby Dahlia Amèlie.
Hindi nawala sa birthday celebration ni Baby Dahlia Amélie ang mga makukulay na bulaklak ng Dahlia na hugis number 1. Matatandaan na nakasanayan na talaga ni Anne na gumamit ng mga bulaklak ng Dahlia tuwing ipinagdiriwang niya noon ang buwanang kaarawan ni Baby Dahlia Amèlie.
Maging ang cake ni Baby Dahlia Amélie ay floral-themed din ang desenyo. Sobrang cute at adorable naman ni Baby Dahlia Amèlie sa kanyang suot na yellow birthday dress.
Isang sweet message naman ang isinulat ni Anne sa caption para ipahayag ang kanyang labis na pagmamahal para sa kanyang nag-iisang Baby Dahlia Amèlie.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Ani Anne, “She owns every little bit of my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Amèlie. I love her to the moon and back infinity times.”
Ibinahagi rin ni Anne ang ilang mga salita mula sa libro na paborito niyang basahin kay Baby Dahlia Amèlie.
“And to quote one of my favourite books by Robert Munsch that I love to read to her with so much feelings – ‘I’ll love you forever, I’ll like you for always, As long as I’m living, my baby you’ll be’,” sulat ni Anne sa caption.
Mula pa noong nasa sinapupunan pa lamang ni Anne si Baby Dahlia Amèlie, maraming netizens ang nasasabik nang makita siya. At nang sa wakas ay ipinakita na siya ng kanyang mga magulang, agad na naging paborito si Baby Dahlia Amèlie ng mga netizen.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Kaya naman maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa unang kaarawan ni Baby Dahlia Amèlie.
“Adorable Dahlia happy birthday”
“Happy birthday to the second DYOSA”
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Happy 1st Birthday to the adorable DAhlia Amèlie. I hope you grow up with such big and kindest heart like your mummy and papa”
“Happy 1st birthday my favorite kiddo”