Mon Confiado, umani ng paghanga mula sa netizens pagkatapos ibahagi ang isa sa mga pinakamatandang katutubong tribo sa Pilipinas

May isang mahalagang mensaheng nais iparating ang batikang character actor na si Mon Confiado sa lahat pagkatapos niyang makasalamuha ang isa sa mga pinakamatandang katutubong tribo sa Pilipinas na Mamanwa.

Credit: @monconfiado Instagram

Noong June 14 sa isang Facebook post ay makikita si Mon na masayang nagpo-pose kasama ang ilang kabataan mula sa tribo ng Mamanwa na matatagpuan sa probinsiya ng Surigao del Norte.

Batay sa post ni Mon, ang Mamanwa o kilala ring Mamanwa Negritos ay ang itinuturing na mga orihinal o unang tribo na nanirahan sa Pilipinas.

At sa pamamagitan ng kanyang post, nais iparating ni Mon sa lahat ang isang mahalagang mensahe at ito ay anuman ang kulay ng ating balat, paniniwala o relihiyon, iisa pa rin ang ating lahi.

Ani Mon, “It doesn’t matter what language you speak, beliefs or religion or what color your skin is. We’re one race. Filipino!”

Credit: @mconfiado Facebook

Samantala, maraming netizens ang na-inspire at naantig hindi lamang sa magandang larawang ibinahagi ni Mon kundi maging sa mensahe na taglay ng kanyang post. Komento ng netizens:

“Ahhh grabeeeee! Salamat! This post is so heart touching! Salute po! May you continue to use your influence for the better.”

“Salute to Mamanwa tribe and to you idol Mon!”

“Sa likod ng pagiging kontrabida, may mabuting puso sa totoong buhay”

Credit: @monconfiado Instagram

“ikaw na Mon…great picture…lodi”

“Salute to you Sir Mon! Marami din dito mga mamanwa sa amin sa may Southern Leyte”

Sa mundo ng pag-arte, maituturing na isa ang character actor na si Mon Confiado sa mga pinakamahusay.

Iba’t ibang klase na ng karakter ang kanyang isinabuhay sa mga pelikula at teleseryeng kanyang kinabibilangan.

Credit: @monconfiado Instagram

Madalas kontrabida ang papel ni Mon sa mga pelikula. Gayunpaman, kilala siya ng marami bilang isang ‘bida’ sa tunay na buhay.

Karamihan sa mga baguhan sa pag-arte ay sa kanya kumukuha ng inspirasyon para mapagbuti ang kanilang kakayahan sa pag-arte.

Samantala, mapa-international o local man kinikilala ang galing ni Mon sa pag-arte at patunay dito ang mga award na kanyang natanggap.

Credit: @monconfiado Instagram

Isa naman sa mga latest project ni Mon ay ang Kapuso teleserye na “The Legal Wives” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.