“More Talis to come!”: Ito ang birthday wish ni Vic Sotto para sa ika-32 taong kaarawan ng asawang si Pauleen Luna

Masayang nagdiwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan si TV host-actress Pauleen Luna nitong November 10.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

 

Ipinagdiwang ng “Eat Bulaga” family ni Pauleen ang kanyang kaarawan kung saan ay sinabi ng kanyang asawang si Vic Sotto ang kanyang birthday wish para sa asawa.

Ayon kay Vic, isa lamang umano ang mahihiling niya para sa kaarawan ni Pauleen. Iyon ay ang magkaroon pa sila ng maraming anak.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Pahayag pa ni Vic, “Birthday wish ba? Isa lang ang wish ko sa’yo…More Talis to come!”

Hirit pa ni Vic sa asawa, “Para matupad na ang wish ay umpisahan na natin.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

May reaksyon naman si Pauleen sa sinabi ni Vic. Aniya, “Magtrabaho ka muna!”

 

View this post on Instagram

 

Yesterday’s mini set up is from @flourishandfrills 🦋 Thank you for making my birthday extra special!

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Ngayong buwan ay maraming ipinagdiriwang ang pamilya nina Vic at Pauleen. Una nga ay ang ikatlong kaarawan ng kanilang first baby na si Baby Tali nitong November 6.

Sa kanyang Instagram ay isang sweet birthday message ang isinulat ni Pauleen para kay Baby Tali. Mensahe ni Pauleen sa anak, “Happy birthday to this ball of sunshine! Thank you for bringing great joy to our lives anak! You are a blessing to us and to a lot of people.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Dagdag niya, “I pray that you’ll grow up to be a kind and giving person. We are grateful for your love anak! Thank you for giving meaning and purpose to my life. Happy 3rd birthday!”

Samantala, nitong November 9 naman ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-9 na anibersaryo bilang magkasintahan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Inamin ni Pauleen na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na siyam na taon na silang magkasama ni Vic. Para kay Pauleen, ang pagdating ni Vic ang isa sa mga pinakasayang pangyayari sa kanyang buhay.

“9 years! 🤯 i still can’t wrap my head around the fact that we’ve been together for almost a decade! The most eventful decade of my life and definitely the happiest as well. Your first phone call to me seems like it was just yesterday! 😆,” saad pa ni Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Mensahe niya para kay Vic, “Thank you my love for giving my life purpose and meaning. Your love may be quiet but it is deep and it is sure. And for that, i am forever grateful to the Lord for making you my husband. I love you so much @mzet280 🤍 Happy 9th Anniversary! 💋”

Sina Pauleen at Vic ay ikinasal noong 2016 pagkatapos ng apat na taon na pagsasama bilang magkasintahan.