Ngayong araw, Biyernes, January 28, ginulat ng tinaguriang “Asia’s Phoenix” na si Morissette Amon ang marami nang inanunsiyo niya na sila ay kasal na ng kanyang longtime boyfriend na si singer-songwriter Dave Lamar.
Credit: @itsmorissette Instagram
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Morissette na kasal na sila ni Dave. Kalakip ng post ni Morissette ang isang sweet na litrato kuha sa araw ng kanilang kasal na ginanap sa The Old Grove Farmstead sa Lipa City, Batangas.
At bagaman hindi binanggit ni Morissette ang buong detalye ng kanilang kasal, sinabi niyang ilang buwan din niyang itinago ang tungkol dito.
“We are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED! it was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally Free! what a ride it’s been, @davejlamar!!!!”” saad ni Morissette sa kanyang post.
Credit: @itsmorissette Instagram
Isang sweet message naman ang ipinaabot ni Morissette para sa kanyang husband na si Dave.
Aniya, “To the stars and the Moon, I love you my Husband! thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together. And I can’t wait to keeping going Up and Away and experience it all with you!”
Samantala, bukod sa kanilang wedding announcement, inilabas din nina Morissette at Dave ang kanilang official prenup video at wedding video sa isang 15-minute music video ng kanilang bagong-release na EP o Extended Play na naglalaman ng 4 na kanta na kanilang sinulat, prinoduce, at kinanta nang magkasama.
Credit: @itsmorissette Instagram
Ayon kay Morissette, ikinukwento ng apat na kanta ang kanilang 11-taong love story.
“we also launched a very special side-project we got to squeeze in this past year, NEW ORIGINALS under a collaborative artist name we decided to call ‘From The Sea’ (some guessed it, “From The Sea” in other languages is “La Mar” so in other words, these tracks are “from the Lamars” hahaha wittyyyy yornnn). we wrote, produced, and sang these 4 fresh songs that express our love story of now 11 years, and we’re thrilled to also finally share this with the world!” pahayag ni Morissette.
Credit: @itsmorissette Instagram
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ni Morissette na hindi siya ang tipo ng babae na mayroong dream wedding pero masasabi umano niyang ang kanilang kasal ay ang kanyang pinapangarap na kasal.
Matatandaang unang nagkita sina Morissette at Dave noong 2011 sa TV5.
Mula noon hindi na nawala ang kanilang komunikasyon kahit pa nasa Amerika si Dave. Hanggang sa noong 2013 ay muli ngang nagsama ang dalawa sa Season 1 ng The Voice Philippines.
Taong 2019 naman nang isinapubliko nila ang kanilang relasyon hanggang sa inanunsyo nila noong nakaraang taon ang kanilang engagement.