“Mrs. Morada na ako!”: Inireveal ni Alex Gonzaga na ikinasal sila ni Mikee Morada bago pa natapos ang taong 2020

Matagal nang tinatanong ng mga netizen kung kailan gaganapin ang kasal ni actress-vlogger Alex Gonzaga at ni Lipa City councilor Mikee Morada. Ngayong araw, January 17, sinagot na nga ng celebrity couple ang matagal nang tanong ng mga netizen.

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram   

Sa isang special vlog, isang araw bago ang kanyang ika-33 taong kaarawan, ibinunyag ni Alex na kasal na sila ni Mikee.

“Tapos na! Tapos na po kami, kinasal na po kami,” lantad ni Alex.

Dagdag niya, “Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife, Mrs. Morada na ako! Misis na ako.”

Ayon sa newlywed couple, November 2020 pa sila ikinasal at nangyari ang kanilang pag-iisang dibdib sa mismong bahay nina Alex.

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram

Intimate lamang ang naging kasal nina Alex at Mikee. Anila, tanging pamilya at malalapit lamang nila na kaibigan ang naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Humingi naman ng pasensya si Alex sa kanyang mga tagahanga o sa mga netizen dahil hindi kaagad nila naibahagi ni Mikee na sila ay kasal na.

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram

Ani Alex, “I’m very very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang nangyari is because we want it to celebrate together as a family muna. And siyempre, alam namin na yung timing din, at saka alam namni na may p@ndemic. We just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate…”

Wala namang paglagyan ang kaligayahan ni Alex dahil sa wakas ay mister na niya si Mikee.

Masayang sinabi ni Alex, “Kaya mister ko na ‘tong mokong na ito.”

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram

Saad naman ni Mikee, “Masaya, masayang ikasal.”

Patuloy ni Alex, “Masaya kami, alam ko na OA pero masaya. Happily married kami. Finally, nakatabi ko na siyang matulog. Nakakatulog na siya sa kwarto ko.”

Pinasalamatan naman nina Alex at Mikee ang kanilang pamilya dahil “very supportive” umano ang mga ito nang nagdesisyon sila na magpakasal na.

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram

Ani Alex, “We just wanted to thank our family kasi the moment we said na we are gonna get married, they’re all very supportive.”

Kwento ni Alex, para umano talaga sa kanilang pamilya ang pagpapakasal nila ni Mikee.

Credit: Alex Gonzaga-Morado Instagram

Ani Alex, “The wedding is really for our parents kasi siyempre, yung nangyayari ngayon, it’s very uncertain. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang p@ndemic. Siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kaming lahat, nandito tayo lahat nakaka-celebrate.”

Sa huli, inihayag ni Alex na masaya siya dahil may basbas na ng kanilang mga magulang ang kanilang pagsasama.

Bahagi ni Alex, “Kahit nasa tamang edad na kami, kung ano yung request ng magulang ko, lalo na yung magulang ko, ginalang ni Mikee and nirespeto namin na kung sakali man na gusto namin magsama, maikasal kami.”

Sina Alex at Mikee ay na-engage noong January 2020 sa Hong Kong.