Mula sa isang cute na bata ay isa na ngayong napakagandang dalaga ang dating child actress na si Xyriel Manabat

Isa si Xyriel Manabat sa mga hinahangaang child actress ng kanyang henerasyon dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram  

Mas nakilala si Xyriel ng lahat nang gumanap siya sa Kapamilya teleserye na “100 Days To Heaven” noong 2011 bilang si Madam Anna Manalastas, ang batang Coney Reyes. Nagawang lampasan ni Xyriel ang inaasahan ng lahat sa kanya dahil nakaya niyang makipagsabayan sa mga batikang artista kagaya nila Coney Reyes, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa at Joel Torre.

Credit: @kowalerts Instagram

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Xyriel dahil sa glow up transformation nito. Mula kasi sa cute image niya noon ay dalagang-dalaga na si Xyriel ngayon.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Sa mga larawan na ibinahagi ni Xyriel sa Instagram ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa kanyang imahe. Nag-iba na ang istilo ng pananamit ng dating child star at litaw na litaw ang ganda nito.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Sa interview naman na isinagawa ng writer na si Darla Sauler kay Xyriel sa YouTube, inamin ng aktres na hindi niya inaakalang magte-trending siya.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Aniya sa online interview, “Nostalgic po. Kasi nga s’yempre nakikita ko po na kahit po pala almost 3 or 4 years na po akong hindi nalalabas sa TV. Grabe! Nakikilala at natatandaan pa rin po nila si Madam Anna, si Momay at Agua.”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Matatandaang ang Kapamilya drama series na “Wildflower” ang huling naging proyekto sa telebisyon ni Xyriel kung saan gumanap siya bilang ang batang Lily Cruz, popular na karakter na ginampanan naman ni Maja Salvador.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Samantala, nitong Hunyo lang ay nagtapos si Xyriel sa High School. Sa ngayon, pokus muna raw si Xyriel sa kanyang pamilya, mga kaibigan at pag-aaral.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Ani Xyriel, “Ngayon po kasi simula po nung nag-stop nga po ako nung ‘Wildflower’ hanggang ngayon talagang sobrang pokus lang po ako sa personal life… And s’yempre po studies tapos sa family, friends. Nag-eenjoy lang po ako na ganito po, wala po munang gaanong iniisip.”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Nagsimula ang showbiz career ni Xyriel taong 2009 nang sumali siya sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol kung saan ay tinanghal siya bilang 3rd Runner-Up. Ilan sa mga kasabayan noon ni Xyriel ay sina Bugoy Cariño at Izzy Canillo.