Simula nang isinilang ng aktres na si Anne Curtis ang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff ay nakasanayan na nilang magbahagi ng mga larawan ni Dahlia Amélie sa kani-kanilang Instagram na siyang patuloy na tinututukan at sinusubaybayan ng mga netizen.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Sa bawat larawan at videos ni baby Dahlia ay makikita kung paano sila mag-bonding ng kanyang ama na si Erwan. Hindi naman talaga maitatanggi na isang “Daddy’s girl” ang anak ni Anne lalo na’t kapansin-pansin ang pagkakahawig nito sa kanyang ama na si Erwan.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Hulyo 9 nang muling nagbahagi si Anne ng lagpas isang minuto na video sa kanyang Instagram kung saan ay makikitang nasa kusina sila ng kanilang bahay. Sa video ay makikitang naghahanda sa lulutuing pagkain si Erwan habang cute na cute namang naghihintay si baby Dahlia sa lamesa.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Mornings with Little D and Papa E 🌼,” pahayag ni Anne sa kanyang caption.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Talaga namang masarap para sa mata ni Anne ang makitang magkasama at nagkakasiyahan ang kanyang mag-ama. Hindi rin maitatangging sobrang sarap sa pakiramdam ang makitang napaka-adorable ni Erwan at Dahlia sa bawat nilang bonding.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“So much fun watching these 2 make brekkie together. I get so kilig ❤️,” ayon kay Anne.
View this post on Instagram
Nabanggit rin ng aktres na sobrang dami niyang inaabangan sa anak at iilan sa mga ito ay:
“How much she loves bread. the way she twiddles her fingers while patiently waiting for her food. she’s picked up how I say “h0t” 🔥. figuring out the difference between blowing her nose and blowing using just her mouth 😂. the way parents are in sync when excited about teaching a new word.
her version of Avocado 🥑. the way she carefully judges the taste of her papa’s cheese and spinach omelette.”
Credit: @annecurtissmith Instagram
Tunay naman talagang nakakapagbigay ng ligaya ang isang baby. Simula nang dumating si baby Dahlia ay mas lalo lamang na nabigyan ng kulay ang buhay nina Anne at Erwan. Hindi naman iyon maipagkakaila lalo na’t sobrang priceless ng mga reaksyong ipinapakita ng mag-asawa sa tuwing sila’y nagbabahagi ng milestones ng anak sa social media.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Isang pamilyang tinitingala at nagiging inspirasyon na rin ng mga bagong pamilya, kumbaga ay “ideal family” kung ilarawan ito.