Music video nila Julia Barretto at Joshua Garcia, trending ngayon dahil nagsilbi umanong closure sa relasyon ng dalawa

Maraming netizens ang naluha matapos mapanood ang bittersweet music video ng hit-song ni OPM singer-songwriter Moira Dela Torre na “Paubaya”.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Ang “Paubaya” ay ang panghuling kanta na inilabas ni Moira para sa kanyang latest album na “Patawad”. Una itong napakinggan noong huling bahagi ng 2020.

Sa mga nakarinig na ng “Paubaya” kahit hindi pa inilalabas ang music video nito, alam na nila kung gaano kasakit ang mensahe ng kanta.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Ang “Paubaya” ay tungkol sa isang mapait na pagtatapos ng isang relasyon, pagbitiw ng dalawang taong dati ay malalim na nagmamahalan ngunit sumuko na ipaglaban ang kanilang relasyon na hindi na maisasalba pa.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Ngunit ang kantang “Paubaya” ni Moira ay may malalim pa na mensahe na nais iparating sa lahat ng nagmamahal.

Ipinaparating din kasi ng kanta na kapag hindi na gumagana ang mga pangyayari sa paraang gusto natin, ang magagawa na lamang natin ay ang ipagkatiwala— “ipaubaya” ito sa Maykapal na siyang nakakaalam ng lahat.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Samantala, mas lalo namang naw@sak ang puso ng karamihan lalo na’t gumanap na magkasintahan na nagkahiwalay din kalaunan sa music video ang dating tunay na magkarelasyon na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Marami ang naka-relate sa tagos sa pusong mga linya nina Julia at Joshua na tingin ng marami ay hindi “scripted”.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Marami rin ang nakapagsabi na ang pagsasama muli nina Julia at Joshua sa nasabing music video ay nagbigay daan upang wakasan na ang mga masas@kit na alaala nila sa isa’t isa.

Saad ng maraming netizens, nagsilbing “closure” nina Julia at Joshua ang masinsinang pag-uusap nila sa music video.

Ramdam ng marami ang sakit at pagpapatawad sa bawat linya na binitiwan ng mga karakter na ginampanan nina Julia at Joshua.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Base rin sa mga emosyon na makikita sa kanilang mga mata, tila hindi na lamang sila umaarte at ang mga salitang kanilang binitiwan ay personal na mensahe nila para sa isa’t isa.

Mukhang tama naman ang hula ng lahat na hindi scripted ang mga linya ng celebrity couple matapos ibunyag ng gumanap na pari sa music video na si Donald Lapez na wala umanong “script” na ginamit sina Julia at Joshua habang ginagawa nila ang kanilang eksena.

Kwento ni Donald, tanging si Julia, Joshua, Moira, direktor at camera man lamang umano ang nasa loob ng simbahan nang kinunan ang pag-uusap ng mag-ex.

Credit: Moira dela Torre YouTube

Ani Donald, “I didn’t know na ganun na pala nangyayari sa loob kasi after ng take ko bilang pari pinalabas na kami lahat…para magkamoment yung [dalawa] at magkaroon ng closure as in no script or kung ano pa man just pure words of forgiveness and love…”

Naging usap-usapan nga ang music video ng “Paubaya” na sa kasalukuyan ay pumalo na sa milyun-milyon ang views matapos itong mailabas noong Pebrero 14.