Nadine Lustre, muling pinagusapan ng netizens dahil sa biniling motorsiklo na nagkakahalaga ng higit P450k

Muling binasag ni Nadine Lustre ang nakasanayan ng ideya ng karamihan at pinatunayan sa netizens na hindi niya kailangan ng lalaki para bilhan siya ng isang bagay na talagang gusto niya.

Credit: @nadine Instagram

Isa si Nadine sa mga sikat na aktres sa industriya ng showbiz sa kanyang henerasyon. Maliban sa angking kagandahan, magandang hubog ng katawan, at kahusayan sa pag-arte, madalas din na pinapahanga ng aktres ang netizens dahil sa malakas niyang paninindigan sa sarili at sa mga pinapaniwalaan.

Matagal-tagal na rin simula nang nagpunta sa isla ng Siargao si Nadine upang magbakasyon. Sa ilang buwan niyang pananatili doon, talagang sanay na ang aktres sa simpleng pamumuhay.

Medyo matagal-tagal naman simula nang huling nakita sa telebisyon, palagi namang updated ang kanyang fans sa bawat kaganapan sa buhay ni Nadine sa pamamagitan ng pagsusubaybay sa kanya sa social media. Madalas din na nagiging laman ng usap-usapan si Nadine kahit na’y malayo sa siyudad, isang patunay na hindi basta-bastang nalilimutan ang kanyang pangalan at reputasyong nabuo sa showbiz.

Credit: @nadine Instagram

Matapos ang kanyang larawan na talagang pumatok sa publiko kung saan ay makikita ang pagbili niya ng “lechon sauce” sa isang pampublikong lugar habang nakasuot lamang ng simpleng damit at wala man lang kahit anong suot na make-up, muli namang nag-viral si Nadine nang nag-purchase siya ng isang mamahaling motorsiklo.

Credit: @najabdul97 Facebook

Sa ibinahaging mga larawan ng isang netizen sa Twitter kung saan ay makikitang nasa Ducati Manila ang aktres, naging usap-usapan ang pagbili ng big bike si Nadine na nagkakahalaga lang naman ng mahigit kalahating milyong piso!

Napatunayan naman ito ng netizens nang may kumalat na larawan sa Facebook kung saan ay makikita si Nadine katabi ng Ducati na motorsiklo na isang Scrambler Sixty2. Ayon sa MotoDeal, nagkakahalaga umano ito ng P499,000 na siyang nagpalaglag sa panga ng kanyang fans.

Credit: JaDine Moments Facebook

“Welcome to the Ducati Family Nadine Lustre,” sulat ni Naj Abdul sa kanyang post.

Kumakailan lamang nang kumalat ang video na ibinahagi ng netizens kung saan ay makikitang nakasakay si Nadine sa bagong bili niyang motorsiklo.

Talagang pinatunayan ni Nadine na hindi lamang ang mga kalalakihan ang maaaring magmay-ari ng big bike dahil kayang-kaya rin niyang makipagsabayan sa mga ito.

Credit: JaDine Moments Facebook

Maangas at napaka-astig tingnan habang nagmamaneho sa bago niyang motorsiklo, talagang pinagkaguluhan si Nadine ng kanyang fans.