Nadine Samonte at non-showbiz husband, masayang ibinalita ang pagbubuntis ni Nadine sa kanilang ikatlong anak

Isa sa mga paborito ng mga fans mula sa reality artista search program na Starstruck ang aktres na si Nadine Samonte. Marami din siyang naging proyekto at masasabing naging matagumpay ang kanyang showbiz career subalit mas pinili nitong talikuran ang pag-aartista at magfocus sa kanyang pamilya.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Nitong miyerkules, June 9, isang magandang balita ang ibinahagi ni Nadine sa Instagram.

“Happy to announce that now we are a family of 5. Hello second trimester. #thankyouLord #unexpextedgift #baby3 #vlogsoon,” caption sa IG post ni Nadine kung saan makikita ang nakakatuwang larawan ng kanilang pamilya.

Sa larawan makikita ang kanyang non-showbiz husband na si Richard Chua buhat ang kanilang anak na lalaki at may sign na + sa pader habang nakatayo si Nadine kasama naman ang kanilang anak na babae at makikita sa pader ang = 5 na nangangahulugang lima na sila sa pamilya.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Agad namang bumati ang kanyang mga kaibigan at kapwa artista sa magandang blessing na paparating kabilang na dito sina Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Melissa Ricks, Isabel Oli at Mariel Rodriguez-Padilla.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi rin ng kanyang asawang si Richard sa Instagram nito.

“And just like that we’re a basketball team,” caption ni Richard sa kanyang IG post na ikinatuwa ng kanilang mga kaibigan.

Ikinasal sina Nadine at Richard noong October 2013. Si Heather Sloane ang kanilang panganay na ipinanganak noong August 2016 na sinundan naman ni Augustus Titus na ipinanganak noong April 2019.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Bagama’t hindi na napapanood si Nadine sa telebisyon ay palagi naman siyang nagbabahagi sa kanyang Instagram.

Minsan niyang ibinahagi ang kanyang simpleng buhay sa farm ng kanyang mother-in-law at veteran actress na si Isabel Rivas sa Zambales.

Ibinahagi niya din ang kanilang mga pinagkakaabalahan sa farm tulad ng pag-aani ng mga prutas at gulay at pangingisda.

Credit: @nadinesamonte Instagram

Sinabi rin ng aktres na masaya siya sa kanyang simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya at ginagawa ang mga gawaing bahay.

“I love washing and ironing and cleaning. Mas gusto ko hands-on ako sa ibang bagay kasi minsan our kids follow what we do,” ani Nadine sa isa niyang IG post.

“That’s the reason din kung bakit wala ako sa showbiz. I’m enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam. I love doing anything for them,” dagdag pa nito.