Nagbunga ang pagiging hindi maluho ni Andrea Brillantes dahil patapos na ang ipinapatayo niyang bahay para sa kanilang pamilya

Unti-unti nang nabubuo ang pinapangarap na bahay ng “Kadenang Ginto” actress na si Andrea Brillantes.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Konting panahon nalang at matatapos na ang bahay na ipinatayo niya para sa sarili at sa pamilya.
Ito ay katas ng pagsisikap ni Andrea bilang isang artista ang bahay.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Matatandaang October noong nakaraang taon nang unang ipinasilip ni Andrea sa kanyang subscribers ang ipinapatayong bahay. Project H ang tawag ni Andrea sa ipinapagawang bahay.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Ito ‘yung first time na nakapunta ako dito kasi sobrang hectic ng schedule, pero napakasaya ko kasi lahat ng paghihirap ko napupunta dito. So worth it din lahat,” kwento ni Andrea sa vlog.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Sa naturang vlog din ay nangako ang aktres sa kanyang mga tagahanga na kapag nagawa na ang second floor at third floor ng bahay ay magbibigay ito ng update.

Hindi naman nabali ang pangako ni Andrea para sa fans dahil kamakailan lang ay nagbahagi siya ng ilang larawan sa Instagram na ipinapakita ang progress ng ipinapatayo niyang tatlong palapag na bahay.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Kung noon ay mga pader at bakal pa lang ang makikita ng lahat, sa update na ibinahagi nito sa Instagram ay makikitang malapit nang matapos ang bahay. Nabuo na ang layout ng pintuan ng bahay. Makikita rin sa loob na may ilang kwarto na ang nagawa. Ikinuwento noon ni Andrea na may kwartong nakalaan para sa bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Tapos na ring gawin ang modern style wood staircase ng bahay papunta sa ikalawang palapag.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ngayon, halos patapos na ay hindi maiwasan ni Andrea na ma-excite. Nasasabik na rin ang mga subscriber ni Andrea na makita ang kanyang bahay. Most requested nga ng kanyang fans ang isang house-tour vlog.

Bumuhos naman ang maraming congratulatory message para kay Andrea. Komento ng ilang netizen:

“Malapit na b konting kembot nalng”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“I wanna see na!”

“We’re super excited Blythee!”

“HOUSE TOUR IS WAVING”

Credit: Andrea Brillantes Instagram     

“Soon aabangan namin yan”

Samantala, sa loob ng ilang buwan na hiatus si Andrea sa YouTube ay may bago na rin itong vlog na inupload. Tinawag niya ang pinakabagong vlog na “Itch a Prank”.