Hindi napigilan ni Ruffa Gutierrez ang maging emosyonal matapos marinig ang mensahe ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.
Sa “Magandang Buhay” nitong Martes, October 20, ay kapwa nagbigay ng mensahe sina Lorin at Venice para sa kanilang Mommy Ruffa.

Ayon sa kanyang bunsong anak na si Venice, labis umano silang nagpapasalamat sa kanilang ina kahit na hindi nila ito madalas ipakita.
Aniya, “We are very grateful for you. We appreciate everything you do. Even if we don’t show it most of the time, we both love you so much.”

Isang pangako naman ang binitiwan ni Lorin para sa kanyang Mommy Ruffa na tuluyang nagpaiyak sa aktres.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, na sa Amerika na magko-kolehiyo ang panganay ni Ruffa at ikwenento nito na hindi umano mapigilan ng kanyang Mommy Ruffa ang maging emosyonal ngayon lalo na’t nasa huling taon na siya ng kanyang high school.

Ani Lorin, “I’m super grateful, especially because my mom is really emotional because it’s my last year of high school. I might move out next year to a different continent so I won’t be home all the time. But just know when I do move to the next chapter of my life, there’s going to be no one I [will’] miss more than you.”

Dagdag pa ni Lorin, na kahit malayo man sila sa kanilang Mommy Ruffa ay patuloy at palagi pa rin nila itong kukumustahin at babalitaan ng mga bagay tungkol sa mga nangyayari sa kanila sa ibang bansa. Ito rin din daw kasi ang ginagawa ni Ruffa pagdating sa kanyang ina na si Annabelle Rama.

Mensahe ni Lorin, “And even if we are far away, even if you think because we are far away we’re not going to text you, we are still going to text you for everything. That’s not going to change and I know that because you still text Lola for everything. So we are super grateful and we love you so much.”

Madamdaming saad naman ni Ruffa sa mga anak, “Ngayon iniisip na nila kung saan sila magka-college, kung magka-college sila sa abroad. So, thank you so much girls, I love you so much and I know, you know that in everything I do, I do it for you. Oh my God! Ano ba ‘yan. ‘Yung lashes ko natatanggal.”

Sa huli, may paalala si Ruffa para sa mga anak pagdating sa pagpili ng lalaking kanilang mamahalin sa hinaharap.
Ani Ruffa, “Pumili kayo ng lalaking mamahalin kayo ‘yung mabuti, God-fearing…para when you get married, your marriage will be forever.”

Matagal nang isang single mom si Ruffa. Taong 2012 nang opisyal na napawalang-bisa ang kasal nila ni Yilmaz Bektas na siyang ama ng kanyang dalawang anak.