Parang bukas na libro ang buhay ng mga artista. At ngayong nauuso ang paggamit ng social media, mas lalo silang nakikilala ng kanilang mga tagahanga, kung sino sila sa likod at harap ng camera.
Credit: @solenn Instagram
Isa naman sa pinakasinusundan ngayong celebrity sa social media ay ang Kapuso actress at modelong si Solenn Heussaff.
Pinupusuan ng milyun-milyong netizens ang mga litrato at video na ipino-post ni Solenn sa kanyang Instagram account. Ngunit kung noon ay mga larawan at video lamang niya ang makikita sa kanyang Instagram account, ngayon ay bumabaha sa IG account ni Solenn ang masasayang sandali niya kasama ang kanyang asawang si Nico Bolzico at ang napakacute nilang anak na si Baby Thylane Katana o Baby Tili.
Sa katunayan, isa sa nagbibigay kulay sa socmed account ni Solenn ay ang mga cute video ni Baby Tili. Gaya na lamang ng isang viral clip ni Baby Tili kuha mula sa isang recent YouTube vlog ng kanyang Mommy Solenn.
Matatandaang nagbakasyon kamakailan sa Paris, France sina Solenn at sa nasabing vlog nga ay mapapanood ang ilang happy moments nilang magpamilya.
Credit: @solenn Instagram
Sa nasabing clip ay mapapanood naman na sinubukan ni Solenn na patuluging mag-isa si Baby Tili sa kanyang kwarto. Pero makalipas lamang ang ilang minuto ay nagsimula nang umiyak si Baby Tili.
Habang si Solenn ay nagtatago sa likod ng pinto, maririnig naman ang nakakaaliw na pagtawag ni Baby Tili sa kanya sa iba’t ibang pangalan.
Ani Baby Tili, “Mama Solenn…Ma Solenn! Solenn?! Bebu? Mama! Mama?”
View this post on Instagram
Umani nga ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang cute na cute na pagtawag ni Baby Tili kay Solenn sa iba’t ibang pangalan. Komento ng netizens:
“So adorable, I like when she call her mama Soleen!!Solen?”
“You’re so adorable Tilibols! Specially when changed it bebu! I can’t stop laughing!”
“Tiliiiiiii na natili hahahahaha she is so pretty and adorbs”
“Love the way she called her mom ahahah cuteness overload”
Samantala, sa vlog, makikita rin na naka-bonding ni Baby Tili ang pinsan niyang si Baby Dahlia na anak naman ng aktres na si Anne Curtis at kapatid ni Solenn na si Erwan.