Kakaiba talaga ang imahinasyon ng isang musician dahil ang simple at hindi natin inaakalang linya ay nagagawan nila ng kanta katulad na lamang ng nakakatuwang reaksyon ni Mariel Padilla noong siya’y nag-live.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Sa isang live na ginawa ng TV host at aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla kumakailan lamang, mapapanood kung paano siya nagulat sa biglaang pagkahulog ng isang electric fan kung saan ay napasabi siya ng, “Ay! ‘Yung electric fan! Oh my gosh, nahulog”.
Dahil sa nakakatuwang reaskyong ito ni Mariel, naagaw niya ang atensyon ng isang musician na si Sean Al. Sa isang interview kasama ang The Philippine Star, ibinahagi ni Sean Al na kaagad siyang na-hook sa gulat na reaction ni Mariel at bigla umano siyang nakagawa ng melody upang gawin itong maikling kanta o kung tawagin ng karamihan ngayon bilang “meme song”.
Credit: @marieltpadilla Instagram
“Mostly po kasi sa mga ginawa ko na meme song ay ‘yung mga nagva-viral na mga lines. Na-hook lang talaga ako sa nahulog na part ni Miss Mariel,” pahayag ni Sean Al.
Dagdag pa niya, “Habang pinapakinggan, para na siyang kumakanta sa isip ko at bigla nakabuo ako ng melody.”
Ibinahagi ni Sean Al ang “meme song” ni Mariel na pinamagatan niyang “Nahulog ang Electric Fan” sa Tiktok at kasalukuyan ngayong umaani ng mahigit 3 milyon na likes.
Tunay nga naman kasi na malakas maka-good vibes ang nasabing “meme song” ni Mariel at hindi na tayo dapat magulat pa kung sa susunod na mga araw, may makakagawa na ng chereography at magiging Tiktok fever ito!
Credit: @marieltpadilla Instagram
Kaagad naman na nagpahayag ng pasasalamat si Mariel sa Instagram kung saan ay ibinahagi niya ang nasabing Tiktok video ni Sean Al.
“Omggggg. Maraming salamat sa gumawa 🤣🤣🤣 ako na ang may kanta 👏🏼👏🏼👏🏼,” pagpapasalamat ng TV host slash aktres.
View this post on Instagram
Ngayon na nagawan ng kanta ang nakakatuwang reaksyon ni Mariel, marami sa netizens ang halos hindi makapaniwala sa creativity at imagination ng musician na si Sean Al. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang naging reaksyon ng aktres nang nahulog ang kanyang electric fan ay mabubuo bilang isang kanta?
Credit: @marieltpadilla Instagram
Ngayon na may “meme song” na si Mariel, pinag-iisipan na niya ngayon ang pagbuo ng dance moves kaya kung game na game ka sa pagsayaw, maghanda ka na!