Nakakaaliw na TikTok videos nina Andrea Brillantes at Alden Richards, patok sa maraming netizens!

Pinagkaguluhan ng maraming netizens kamakailan ang ibinahaging TikTok videos ni Kapamilya actress Andrea Brillantes.

Credit: Blythe Tiktok

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa si Andrea sa mga sinusundang artista sa TikTok. Ngunit kakaiba ang pinakabagong TikTok videos na ibinahagi ni Andrea dahil may special guest siya na kanyang naka-duet sa pagsayaw ng ilang trending dance craze sa TikTok. Ito nga ay walang iba kundi si Kapuso heartthrob Alden Richards!

Magkahalong tuwa at kilig ang naramdaman ng maraming netizens sa TikTok videos ni Andrea kasama ang kanyang Kuya Alden.

Sa unang video, game na gumiling ang dalawang showbiz stars sa sikat na kanta ng bandang Earth, Wind & Fire na “Let’s Groove.”

@blytheWith kuya Alden 🥰 ##aldenrichards ##fyp ##stingenergydrink♬ Let’s Groove – absolutesnacc

Sa sumunod naman na video ay lumabas ang pagka-kwela nina Andrea at Alden habang todo hataw sa “Might Be (Remix) ni DJ Luke Nasty and PnB Rock.

Kitang-kita ang pag-eenjoy ng dalawa habang sumasayaw sa nasabing kanta. Batay sa kanilang twinning outfits at background, mukhang katatapos lamang ng commercial sh00t nina Andrea at Alden para sa isang kilalang energy drink brand.

Tanong nga ni Andrea sa caption, “Napanood nyo na po ba ang commercial namin ni kuya Alden?! [emojis] #aldenrichards #stingenergydrink”

Credit: Blythe Tiktok

Samantala, ipinahayag naman ng netizens kung gaano sila kasaya na makita si Alden na sumasayaw sa ilang trending TikTok dances. Komento nila:

“cute mo Blythe, ankyut din ni Kuya Alden…nakita ko na naman ang kanyang dimples HAHAHHAHAHAHHA”

“Ang Pogiiiii ni ALDEN kaloka Buti napatiktok siya congrats sa new commercial niyo Blythe”

Credit: Blythe Tiktok

“Ang gwaaaapooooo namn ng kasama mo”

“ANG GWAPOO NI ALDENNNN!!”

“Cucute nyo pwede talaga kayong mag kuya if ever magka project, pansin ko na yon since TM”

Sa ngayon, umabot na sa 2.3 million at 5.5 million views ang TikTok videos nina Andrea at Alden. Bukod sa kanilang TikTok videos, hinamon din nina Andrea at Alden ang kanilang followers sa Instagram na gawin na “#StingHatawChallenge”

Credit: Blythe Tiktok

“Mga lodi! Sali na kayo sa #StingHatawChallenge sa TikTok. Sayawin lang ang Sting Hataw dance at pwede kayong manalo ng exciting prizes!” sulat ni Alden sa kanyang Instagram.